Kinabukasan ay magaganap na ang paglilitis. Si Prinsesa Manorah ay nasa kaniyang silid at inihahanda ang kaniyang mga sasabihin. Kampante naman siya na kahit malapit si Prinsesa Alora sa mga konseho ay siya pa rin ang papanigan ng mga ito at ng kaniyang ina.Maya-maya ay may
kumatok sa kaniyang silid na agad naman niyang pinagbuksan."Althea, ikaw pala."
"Nais ko lang sabihin na naroroon ako sa iyong pagliitis mamaya upang suportahan ka."
nakangiting sambit ni Althea."Maraming salamat, Althea."
"Sana lang ay manaig ang hustiya at panigan nila ang tama at nararapat." wika ni Althea na
may halong pangamba."Sana nga, teka marami na bang naroroon sa silid-hukuman?" panatag namang tanong ni
Prinsesa Manorah."Medyo marami na. Ang totoo, inaasahan na mas darami pa ang manonood mamaya dahil
dalawang prinsesa ang maghaharap. Naroroon na ang mga konseho at ang iyong inang-reyna. Pati na rin ang dalawa mo pang kapatid.""Ibig mo bang sabihin ay naroroon din ang mga kapatid kong si Zeus at Aleyah?
Kinakabahan akong malaman iyan. Kanino naman nila balak kumampi?""Walang nakakaalam Manorah kundi sila lamang. Gusto ko sanang tanungin si Prinsesa
Aleyah kanina subalit iniiwasan niya talaga ako.""Lagot na. Kapag kumampi si Zeus at Aleyah kay Alora at pati na rin ang mga konseho, tapos na ang usapan!" malungkot na tugon ng ikatlong anak ng reyna.
"Ganun din ang nasa isip ko kanina pero palagay ko, hinding-hindi papanigan ni Prinsesa Aleyah si Prinsesa Alora, dahil kung si Alora lang naman ang kakampihan niya, marahil ay mas pinili na lang niyang huwag dumalo sa inyong paglilitis."
Maya-maya ay dumating na si Aztec at Arum para sunduin si Prinsesa Manorah.
Anumang oras ay
magsisimula na ang paglilitis. Nakaupo na sina Prinsesa Manorah, Aztec, Arum at Tamara sa
kabilang panig sa dakong kaliwa. Samantalang si Prinsesa Alora naman ay nasa dakong kanan.Habang ang mga maaaring tumistigo na sina Prinsipe Zeus, Prinsesa Aleyah at Althea naman ay
nakaupo sa gitna.Wala pang nakakaalam kung kanino sila papanig hanggat wala pa silang
binibitiwang salaysay.Si Duke Flavio, Talina at Centina naman ay nasa may bungad ng pintuan
malayo sa mga nasasangkot dahil naroroon lamang sila upang manood. Ang mahal na reyna at
ang mga konseho na kinabibilangan nina Carlile, Luna, Shanaya at Lancelot ay nasa unahan."Labag sa batas ang magpatakas ng isang bilanggo na lingid sa kautusan ng mahal na
reyna at ng mga konseho. Prinsesa Manorah, ano ang iyong dahilan at nagawa mong palayain ang isang batang bilanggo?" panimula ni Carlile.Buong tatag namang tumayo si Prinsesa Manorah upang ipagtanggol ang kaniyang sarili.
"Para sa kaalaman ng lahat, ang batang iyon ay pinarusahan ng aking kapatid na si Alora.
Labag din iyon sa kautusan dahil hindi naman siya ang tagapagparusa ng kaharian kundi si Shanaya lamang.""Pinapaamin ko lamang ang bata upang sabihin niya kung saan nagtatago ang iba pa niyang mga kasamang magnanakaw. Masyado na silang nagiging banta sa ating kaharian!"
pag-angal naman ni Prinsesa Alora."Pero hindi iyon sapat na dahilan upang saktan mo ang isang batang wala namang kalaban-
laban!""Masyado kang martir, Manorah! Mukha lang maamo ang batang iyon, pero ang hindi mo
alam ay sinasaksak ka na niya patalikod. Sinasamantala niya ang iyong kabaitan." paliwanag
ni Prinsesa Alora.

BINABASA MO ANG
"PRINSESA ALEYAH"
PrzygodoweSa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang K...