Kabanata X : ANG MAGITING NA PRINSIPE NG VIREO

44 3 0
                                    


Kasalukuyang naglalakbay si Prinsipe Zeus at ang kaniyang pangkat kasama ang hukbo ni Duke Flavio. Ang kanilang misyon ay hanapin ang isang asul na diyamante na nagtataglay ng isang malakas na kapangyarihan. Marami ang nagsasabing kathang isip lamang ang diyamanteng ito,
pero ang nagpatotoo ay ang namatay na si Haring Vireo. Naniwala si Prinsipe Zeus na nakita ito ng kaniyang ama noong ito ay nabubuhay pa. Kaya naman, kasama niya ngayon ang duke upang ito ay hanapin. Nagsama lang sila ng tig-dalawampung mahuhusay na mandirigma dahil ang totoo ay lubhang mapanganib ang kanilang misyon.

"Mahal na prinsipe, paano kung mahanap na natin ang diyamante, sino sa ating dalawa ang magmamay-ari nito?" tanong ni Duke Flavio sa prinsipe.

"Maaari tayong magkaroon ng kasunduan na kung sino ang unang makakita ang siyang mangangalaga at mag-aangkin sa diyamante."

"Bwahahaha! Magandang ideya, subalit paano kung ikaw nga ang unang makakita pero ako
naman ang makakakuha?" pabirong tanong muli ng duke.

"Hindi naman iyon magiging problema mahal na duke, dahil ayon sa aking ama ay ang mismong diyamante ang pipili sa kung sino ang gusto niyang magmay-ari sa kaniya. Isang nilalang na may taglay na kabutihan ng puso, malasakit sa kapwa at higit sa lahat ay pambihirang tapang."

"May pumasok tuloy bigla sa aking isipan."

"At ano iyon mahal na duke?"

"Wala pala sa ating dalawa ang karapat-dapat sa diyamante! Bwahahaaha!"

"Hahahahah! H'wag ka namang magbiro mahal na duke dahil nasisiguro kong isa sa atin ang
makakapag-uwi ng diyamante." buo ang loob na pahayag ni Prinsipe Zeus.
"Kung ganon ay ayos lang sayo kahit na ako ang magmay-ari rito?"

"Kung ikaw ang pipiliin ay wala naman akong magagawa hindi ba? Basta't ang mahalaga ay
isa sa taga-Vireo at hindi mula sa ibang kaharian ang magmamay-ari nito."

"Bwahahaah! Hindi mo ba naisip Prinsipe Zeus, kung bakit hindi kinuha ni Harin Vireo ang asul na diyamante nung minsan na niya itong natagpuan?"

"Hindi niya ito kinuha dahil hindi siya ang pinili nito."

"Tama ka Prinsipe Zeus! At kung sino ang magmamay-ari sa diyamanteng ito ay talaga nga namang pinagpala. Bwahahaha!"

Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay ay yumanig ang lupa na kanilang tinutuntungan.
Tumigil muna ang lahat sa paglalakad hanggang sa kanilang matuklasan na nakarating na pala sila
sa lungga ng mga dragon. Kaagad na nagbigay ng hudyat si Duke Flavio.

"Maging alerto ang lahat. Nasa teritoryo na tayo ng mga dragon!"

Nagulantang ang lahat nang mula sa isang kweba ay may lumabas na dalawang dragon na
parehong bumubuga ng apoy.

"Duke Flavio, ang mabuti pa ay pagtigisahan na ng ating mga pangkat ang dalawang dragon
upang mabilis natin silang mapatumba." matapang na mungkahi ni Prinsipe Zeus
Hinarap ng duke at ng dalawampu pa niyang tauhan ang dragon na may 3 ulo at bumubuga ng
nagbabagang apoy.

Samantalang ang dragon naman na hinarap ng pangkat ng prinsipe ay ang
dragon na may ulo ng serpiyente.

"Ako na ang bahala sa isang ito." bulalas ng prinsipe habang naghahanda sa gagawing
pagsugod.

Matapang na hinarap ni Prinsipe Zeus ang dragon na may ulo ng serpiyente. Gamit ang espada ay
inaasinta niya ang ulo ng dragon. Pero masyadong malaki at mabilis ang dragon. Pero hindi
nagpatalo ang prinsipe, sinubukan niyang tumakbo sa ibat-ibang direksiyon upang mahilo at malito
ang dragon at nagtagumpay siya. Nang tumalikod ang dragon ay nadaplisan niya ito ng espada sa
kaliwang pakpak. Sapat na upang mapigilan sa paglipad ang dragon. Nagpatuloy ang pakikipagbuno
ng prinsipe sa dragon habang ang kaniyang mga tauhan ay gumagawa ng patibong upang mahuli
sa bitag ang dragon. Tumalon ng mataas ang prinsipe at sinaksak ang likod ng dragon, nagkaroon
ito ng malaking sugat na ikinagalit nito. Habang nakasakay ang prinsipe sa likod ng dragon ay
iwinasiwas nito ang kaniyang pakpak na naging dahilan ng pagtalsik ng prinsipe. Tumama ang
prinsipe sa isang malaking puno.

"PRINSESA ALEYAH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon