PROLOGUE

801 42 11
                                    

Prologue:

Ang mga hikbi ko ay hindi mapigilan na sunod-sunod silang lumalabas sa bibig dahil sa nararamdaman kong takot.

Tumakas ka na, Light,” pabulong na utos ni ina ngunit iling ang naging tugon ko.

“Hindi po! Hindi ko kayo iiwan ni ama.” Hikbing protesta ko.

“Hindi puwede na magsama tayo dahil tiyak na papatayin nila kami.” Nakita ko kung paano naglandas ang luha ni ina sa kanyang mukha.

Natatakot ako ina. Baka mapano kayo ni ama.” Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilin ang hikbi kasabay ang pagluhod ni ina sa harapan ko para magpantay ang aming taas.

Tandaan mo na kahit anong mangyari ay aalis ka sa bahay na ito bago pa sila makapasok. Hindi puwede na malaman nilang may anak kami ni Israel. Kaya pakiusap lang anak makinig ka sa ina mo,” parehong bumagsak ang aking mga balikat.

Ayokong maging matigas ang aking ulo at pahirapan ang mga magulang ko lalo na kung para ito sa kaligtasan ko.

Susundin ko po ang utos niyo ngunit mangako po kayo sa ‘kin na susunod kayo ni ama papunta sa isang kubo sa kalapit na bayan,” nanghihina ang katawan ko dahil hindi ko alam ang gagawin.

Nakita kong ngumiti si ina bago niya hawakan ang magkabilang pisngi ko na walang salitang hinalikan ang aking noo at pinagtagpo ang mga ilong namin.

Pangako na susunod kami. Ngunit mangako ka rin na hindi mo pababayaan ang sarili mo kahit anong mangyari sa ‘min ng iyong ama,” pagkatapos n’yon ay niyakap ako ng ina ko ng mahigpit.

“Mahal ko kayo ni ama kaya natatakot po ako,” mahinang turan ko.

Naramdaman kong mas lalong humigpit ang yakap niya sa ‘kin.

Patawad kung nasali ka sa gulong ito na pinasok namin ng iyong ama,” rinig kong paumanhin niya ngunit hindi ko na lang iyon pinansin na mas sumiksik pa sa yakap.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon