CHAPTER 11

349 26 0
                                    

Chapter 11:

Hindi ko maiwasan mag-inat at humikab ng bumangon ako sa kama na kinukusot pa ang mata ng tinatahak ko ang konektadong banyo sa kwarto.

Humarap ako sa sink na naghilamos ng mukha at nagsipilyo ng ngipin na ilang minuto ang itinagal ng gawin ko ang morning routine bago ako lumabas ng kwarto na dumiretso sa kusina at naka-amoy ako ng mabangong luto.

"Good morning." Lumingon si Lincoln sa akin ng makita niya akong papalapit sa kanya.

"Pasensya ka na kung ikaw pa ang naghahanda ng almusal." Nahihiyang saad ko.

"Okay lang naman sa 'kin." Ngumiti ito kaya pilit akong ngumiti pabalik.

Kahapon kami dumating sa Izeland Island na pagmamay-ari niya at ginamit namin ang private yacht nito patungo rito.

Ang Izeland Island ay isang magandang paraiso na kulay puti at pino ang buhangin sa dalampasigan. At iisa lang ang bahay rito na bakasyonan na siyang tinutuluyan namin ngayon.

"Nasaan si Hunter?" Mahinang tanong ko dahil hindi ko naabutan ang anak ko sa kama na natutulog.

"Nasa kwarto." Tipid nitong sagot na abala sa pagluluto ng tosino.

"Nasa kwarto mo?" Kunot-noong tanong ko ulit.

"Yeah. Natutulog, mukha kasing napagod ng maglaro kami kagabi." Napatango na lang ako na tumalikod sa kanya ng lumapit ako sa refrigerator na binuksan ito para kumuha ng tubig.

Nang sinara ko na ang ref at umatras ay agad akong nabigla ng may malakas na dibdib sa likod ko kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Napalunok ako ng dahan-dahan nilingon ang isang bulto sa likuran na hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala ito sa 'kin.

"L-Lincoln." Nauutal na saad ko.

"Relax. Wala akong gagawin na masama." Ramdam ko ang hininga nito na tumatama sa batok ko.

"Pwede bang u-umalis ka sa likur---"

"Sshhh. Kukuha lang ako ng itlog para kay baby Hunter." Hindi ko alam ang sasabihin ng tumingin ito ng diretso sa mata ko na bumaling sa ref na binuksan ito.

At mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil mas lumapit pa ito na halos nakayakap na siya mula sa likuran ko ng kumuha siya ng dalawang itlog mula sa ref.

"Pwede ka nang huminga ng maayos." Sambit nito ng lumayo na sa 'kin na lumapit ulit sa stove para magluto ngunit hindi ko makalma ang puso ko dahil naramdaman kong hinalikan niya ang puno ng tainga ko.

Huminga muna ako ng malalim na agad uminom ng malamig na tubig at binalik agad ang pitsel sa ref. Pilit kong pinanormal ang lahat na kunwari ay walang nangyari sa pagitan namin.

"Anong gusto mong timplahin ko para sa 'yo?" Tanong nito ng humarap ako sa kanya.

"H-Huh?"

"Gusto mo ng kape with cream or without?" Napalunok ako dahil sa malambing nitong tanong.

"W-Wala." Nagbawi ako ng tingin rito.

Ano ba ang nangyayari sa akin sa tuwing kasama ko siya?

Nag-isip na lang ako ng ibang gagawin kaya inayos ko ang mesa at kumuha na ilang plato na inilagay ito sa ibabaw ng table plate. Inilapag ko rin ang ibang ulam na naluto na niya.

"Done." Napatingin ako rito ng patayin na niya ang stove at inilagay sa plato ang itlog na kasama ang tosino.

"Gigising ko lang si Hunter." Turan ko.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon