Chapter 29:
Inabot ko ang picture frame na nakalagay sa bedside table at tinitigan iyon ng umupo ako sa kama. Isang family picture namin ito no'ng kaarawan ng anak ko. Pare-pareho kaming nakaupo sa couch na nasa gitna naman si Hunter na malawak ang ngiti nito kahit may nagkakalat sa mukha niyang chocolate cake.
Hinaplos ko ito dahil sa saya na nararamdaman ko para sa pamilya namin. Ang ganda ng mga ngiti namin sa litrato na parang wala ng bukas. Kung tutuusin ito ang una naming litrato nang dumating ang kaarawan ng anak namin.
Minuto ang tinagal na tinitignan ko ang picture frame hanggang sa nagsawa ako ay naisipan kong ilagay na ito sa bedside table ngunit na hindi ko pa ito tuluyan na ilalagay ay nabitiwan ko ito dahil agad kong sinapo ang dibdib ko ng sumakit iyon na hindi ko alam. Parang pinipiga iyon at kinukurot kaya marahan kong minasahe ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko.
"Shit!" Mahinang mura ko dahil hindi pa rin humihinto ang sakit kaya napaluhod ako sa sahig at napatitig ako sa picture frame na nabasag dahil nabitawan ko ito.
Nakahawak pa rin ako sa dibdib na inabot iyon para linisin ang salamin na nagkalat pero hindi ko sinasadya ay nasugatan ang hintuturo ko kaya may lumabas do'n na dugo.
"Mama!" Automatic ako napatingin sa pinto ng bumukas iyon na pumasok ang mag-ama ko.
"Anong nangyari?" May pag-aalala sa boses ni Lincoln na agad binaba sa kama ang anak ko at lumapit ito sa pwesto ko. "Fuck! May sugat ka." Hinawakan niya ang kamay ko na tumutulo pa rin ang dugo kaya nagulat ako nang inilagay niya ang hintuturo ko sa bibig niya para sipsipin iyon.
"Ano ka ba." Angal ko dito na pilit kong tinanggal ang kamay ko pero hindi niya pinakawalan iyon.
"Ayos ka lang po mama?" Tumingin na lang ako kay Hunter na hindi maiguhit ang mukha.
"Ayos lang si mama." Nang sabihin ko iyon ay kumirot ang puso kaya napasapo ulit ako.
"Hey!" Mabilis ang kilos ni Lincoln na hinapit ang baywang ko na kinulong niya ako sa kanyang kandungan na pareho kaming nakaupo sa sahig. "Baby, anong nararamdaman mo?" Mas nag-alala ito sa 'kin.
"Ayos lang ako kaya wala lang ito." Pilit akong ngumiti dito kahit masakit pa rin ang puso ko.
"Mama." Lumapit naman si Hunter sa amin na yumakap ito sa 'kin. "Ano po masakit sa inyo? I'm worried." Naawa ako rito kaya inabot ko ang buhok nito para haplusin.
"A-Ayos nga lang si mama. S-Siguro kailangan ko lang ng pahinga kaya pwede b-bang ihiga mo muna ako sa k-kama?" Mahinahong pakiusap ko na lang kay Lincoln na tumingin ako sa kanya.
"I'm also worried. Nababasa ko sa isip mo na masakit ang puso mo." Kinagat ko na lang ang labi ko dahil sa sinabi niya. "Ihiga natin ang mama sa kama." Baling niya sa anak namin na agad naman sumunod.
Humihinga na lang ako ng malalim sa tuwing sumasakit ang puso ko dahil hindi ko ito kaya.
"Ipapatawag ko lang 'yong family Doctor." Mabilis niyang saad na maihiga niya ako sa kama.
"I'll stay with mama." Mahinang turan ng anak ko na hinawakan ang kamay ko ng sumampa ito sa kama samantala tumango na lang si Lincoln na agad lumabas ng kwarto.
Kahit anong gawin ko sa sarili ay sumasakit talaga ang puso ko na hindi ko alam kung bakit ito nagkakaganito at parang umiinit ang buong katawan ko na parang may isang halimaw na gusto kumawala sa kaloob-looban ko.
--
Florence's P. O. V.
Hawak ko lang ang kamay ng kapatid ko habang naka-upo ako sa gilid ng kama niya.
BINABASA MO ANG
Vampire's Mate
VampireKaya ko bang magmahal nang isang bampira kahit kinamumuhian ko ang angkan nila?! Kaya ko bang talikuran ang lahat na nasimulan dahil sa pagmamahal?! Started: June 15, 2020 Ended: November 04, 2020 ©2020 Enjoy Reading 💓 Your_QueenAnonymous