CHAPTER 07

365 26 3
                                    

Chapter 07:

At palaging kumikirot ang puso ko sa tuwing maiisip ko na sana kasama ni Hunter ang ama niya.

"Mama!" Tumakbo ang anak ko papalapit sa 'kin na hindi ko namalayan.

"Napagod ka na sa paglalaro?" Marahang tanong ko na niyuko ito para halikan ang ulo niya.

"Hindi po." Masayang sagot nito ng lumayo ako sa kanya.

"Uuwi na tayo dahil magluluto pa si mama ng hapunan." Turan ko.

"Pwede naman tayong dumaan sa restaurant bago ko ihatid kayo." Napatingin ako kay Mr. Cameron ng magsalita ito at katabi na ni Roselle.

"I love that idea. Kumain muna tayo bago maghiwa-hiwalay." Segunda agad ni Roselle.

"I love that too." Sang-ayon naman ng anak ko.

"Naku, huwag na lang po Mr. Cameron dahil nakakahiya sa inyo." Tanggi ko naman.

"Ang KJ mo naman, Mary," lihim kong tinignan si Roselle ng masama ngunit binaliwala lang niya iyon. "Ililibre na nga tayo ni Lincoln tapos ayaw mo pa."  Dagdag niya pa.

Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Mr. Cameron ang kamay ko.

"Pumayag ka na kahit ngayon lang," hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa mahinahong niyang boses. "Gusto ko lang makasama ngayon si Hunter kumain bago umuwi." Pakiusap niya pa.

"P-Pero," dahan-dahan kong binawi ang kamay ko na binitiwan naman niya. "Hindi niyo n-naman kailang---."

"Mama, tanggapin niyo na po ang alok na dinner ni Tito Lincoln." Putol ni Hunter sa 'kin.

Hindi ko na naman matatanggihan ang anak ko dahil sa sinabi niya.

"S-Sige na n-nga." Nauutal na sang-ayon ko naman na tumingin kay Mr.Cameron na malawak ang ngiti samantala si Roselle naman ay naglakad na kasama ang anak ko.

"Tara na." Turan niya kaya sumunod na lang ako sa paglalakad hanggang sa nakalabas na kami ng mall at narating ang parking lot na huminto kami sa dalawang sasakyan. Isang suzuki at limousine.

"Magkita na lang tayo sa Italian restaurant, Lincoln." Turan ni Roselle na iginayak ang anak ko papasok sa Suzuki kaya agad akong naalarma.

"Sasabay ako sa inyo, Rose." Sabi ko kaya tumingin sa 'kin ito na nakangisi.

"Hindi na. Kay Lincoln ka na lang sumabay." Pagkatapos ni Roselle sabihin iyon ay sinenyasan niya ang isang bodyguard na pumasok sa driver seat.

"Sumabay ka na lang sa 'kin." Hindi ko alam ang ire-reaksyon ng hinawakan ni Mr. Cameron ang kamay ko papasok sa backseat ng limousine.

Hindi ko din alam kung bakit agad nila akong napapasunod sa mga sinasabi niya.

Napalunok na lang ako palihim ng tumabi siya at naramdamam kong binuhay na ang makina ng sasakyan ng driver niya.

"Malapit na pala ang birthday ng anak mo." Basag niya sa katahimikan.

"Ahh o-oo Mr. Cameron." Nahihiyang turan ko.

"Pwede bang ialis mo ang Mr. Cameron sa tuwing nagkakausap tayo? Masyadong pormal naman, tawagin mo na lang ako sa pangalan ko." Napatingin ako sa kanyang mata.

"Boss ko kayo kaya dapat nasa pormal ko kayo tawagin." egund ko sa sinabi niya.

"Sumunod ka lang sa mga sasabihin ko para bigyan kita ng bonus sa tuwing buwan with your salary."

"Hindi naman yata makatarungan iyon sa 'yo bilang boss ko sa kompanya." Protesta ko.

"I don't care basta ang gusto ko ay susundin mo ako." Napatahimik na lang ako dahil pakiramdam ko na hindi magpapatalo si Mr. Cameron sa 'kin.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon