CHAPTER 01

630 29 25
                                    

Chapter 01:

Nang makapasok ako sa entrance ng building ng Hidden Gem Corporation ay nginitian at binati ko ang mga security guard bago ko ibigay ang I. D. sa kanila para ipakita na isa akong empleyado ng companya. Nginitian nila ako at pinapasok na.

Habang naglalakad na ako lobby ng kompanya ay napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sa ‘kin dahilan upang huminto ako.

“Mary Simsom.” Kumaway si Roselle nang papalapit siya sa pwesto ko dahil galing pa lang ito sa entrance.

“Good morning, Rose.” Ngiting bati ko sa kanya ng lubos na siyang nakalapit.

“Good morning too, Mary,” bati din niya. “Alam mo na ba ang balita tungkol kay Mrs. Rosino at sa kompanyang ito?” dagdag niya kaya napakunot-noo ako.

“Hindi,” sagot ko na naglakad ulit ako.

“Weh? ‘Di nga? ‘Wag mong sabihin sa ‘kin na wala kang alam tungkol doon dahil hindi ako maniniwala sa ‘yo lalo na ikaw ang secretary ng President ng HGC,” komento niya kaya napailing ako bago lumingon sa kanya.

Magiliw ko muna itong nginitian. “Alam mo kasi hindi ako tsimosa na tulad mo. Palagi kang updated sa mga nangyayari sa loob ng kompanya. Samantala ako palaging nahuhuli sa mga balita dahil palagi akong abala sa trabaho,”

“Ewan ko sa ‘yo.” Tumaas ang sulok ng labi niya na animo’y pikon sa sinabi ko dahil totoo naman ang mga iyon.

Pareho kaming empleyado ni Roselle sa Hidden Gem Corporation ngunit magka-iba lang ang trabaho namin dahil sa marketing department siya naka-pwesto samantala ako ay isang secretary ng President na si Mrs. Rosino.

Hindi ko maikakaila na isa siya sa mga kaibigan ko sa kompanyang ito ngunit biláng lang sa darili ko ang tunay na kaibigan dahil iniiwasan ko ang lahat ng mga tao na nagtatangkang lumapit sa ‘kin para bagay na iyon.

Inaamin ko na anti-social ako. Inilulugar ko ang trabaho sa pakikipagkaibigan. Aanhin ko ang madaming kaibigan kung ang ilang sa kanila ay hindi totoo sa ‘kin? Sayang lang ang oras ko sa pakikipagplastikan.

“Sabay tayong mag-lunch mamaya sa cafeteria.” Tumango ako.

“Pwede naman. Lalo na ay mabait si Mrs. Rosino kaya pwede akong magpaalam sa kanya,” wika ko na nakangiti.

“Attention please, all employee in Hidden Gem Corporation, please proceed in the conference room,”

“Again, all employee in Hidden Gem Corporation, please proceed in the conference room. Thank you,”

Dahil sa announcement na mula sa mga speaker sa loob ng building ay marami kaming nakakasabay ni Roselle patungo sa mga elevator dahil nasa 15th floor ang conference room.

“Ito na nga ang sinasabi ko na tungkol kay Mrs. Rosino.” Umiling si Roselle ng makapasok na kami sa loob ng elevator na medyo may kasiksikan na dahil marami na ang nakasakay.

Nagkibit-balikat na lang ako na hindi siya pinansin dahil sumara na ang elevator kaya napayuko na lang ako.

Lihim akong napahugot ng hininga dahil hindi ko talaga maiwasan isipin ang taong mahal ko. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya ngayon lalo na ay hindi ko siya kasama dahil sa trabaho ko at samantala ay nasa eskwelahan ito.

Nag-angat ako ng ulo at diretsong tumingin sa mirror glass na pintuan ng elevator.

At ilang minuto lang ang nakalipas ay bumukas na ang pintuan ng elevator kaya magsipa-unahan ang mga empleyadong lumabas.

“Magkita na lang tayo mamaya.” Binalingan ko si Roselle na nasa tabi ko.

“Yeah. Pupuntahan ko pa kasi yung team ko,” ani niya. “Sige mauna na ako.” Tango lang ang naging tugon ko kaya naglakad na ito palayo sa ‘kin.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon