Chapter 04:
Pagbukas ng pinto ay awtomatik akong napatayo sapagka’t pumasok si Mr. Cameron at mabilis ko naman ito binati.
“Good morning, Mr. Cameron.” Yumuko ako ng saktong nasa harapan na siya ng cubicle ko.
“Pwede bang lumabas ka muna, Mary? May pag-uusapan lang kami ng bisita ko.”
Napadako ang tingin ko sa kasama niyang lalaki na mas matanggad sa kanya at kulay bughaw ang mga mata nito.“Yes, Mr. Cameron,” magalang na sagot ko.
“Bumalik ka na lang after thirty minutes,” isang tango ang naging tugon ko na walang salitang lumabas ng opisina sabay kibit-balikat.
Walang mababakas na sigla sa boses ng boss ko samantala ang mukha din niya ay walang ekspresyon at ang ibig sabihin n’yon ay wala siya sa mood.
Mainit yata ang ulo nito ngunit wala akong pakialam sa kanya.
Napagpasyahan ko lang muna tumambay sa cafeteria dahil tatlumpu’ng minuto naman ang ibinigay sa akin na break time.
Lumapit ako sa counter na nginitian at binati ako nang crew kaya ganoon din ang ginawa sa kanya.
“What’s your order, ma’am?”
“Two cheese burger then one bottle of mineral water,” tugon ko sa tanong niya.
Hindi nagtagal ang paghihintay ko na ibinigay nang crew ang order kaya nagbayad na ako. Tumingin-tingin muna ako sa mga upuan at napili kong pwesto ay malapit sa bintana.
Gusto ko ang pwesto malapit sa bintana sapagka’t natatanaw ko ang nasa labas. Ang cafeteria namin ay may kaharap na Green House na sakop pa ito nang kompanya. Magaan sa loob kapag nakakakita ako nang mga berdeng bagay. Nakakabawasan nito ang pagod ko.
Nakakaginhawa ang ambience ngayon dahil wala pang masyadong tao dito sa cafeteria kaya hindi maingay.
Sa pagiging anti-social ko ay ayoko talaga nang maingay na paligid ‘pagka’t kapag maingay ay sumasakit ang tainga ko sa kaliwa’t kanang pakikinig sa mga walang kwentang usapan.
Hindi naman masama ang maging anti-social lalo na kung ito ang comfort zone ko sa buhay.
Kumagat ako ng cheese burger na nginuya ko ito sa mabagal na paraan. Habang ngumunguya ay may umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko.
“Pinaasa mo ako noong isang araw na sabay tayong kakain,” ang sulok ng labi ni Roselle ay tumaas kasabay ng pagkagat niya ng mansanas.
“I already told you na hindi nga ako pinaalis ni Mr. Cameron dahil sabay kaming kumain,” mahinang saad ko sa kanya dahil nag-iingat ako na baka may makarinig sa sinabi ko kahit walang masyadong tao sa paligid. “Bakit ka pala nan’dito sa cafeteria?” pag-iiba ko nang usapan.
“Wala kasing masyadong ginagawa sa department namin. Pero balik tayo sa topic about sa lunch niyo ni Mr. Cameron. Parang may naamoy akong kakaiba sa bagong boss natin.” Ngumisi ito ng nakakaloko at nakuha ko ang ibig sabihin niya.
“Hindi ko gusto ang iniisip mo.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Pinasabay lang niya ako kumain dahil hindi daw siya nabubusog,” paliwanag ko.
“Ang lame nang dahilan.” Nginusuhan niya ako. “Magsisimula na ba ang kuwento ni’yong dalawa? The tilte is, (Their Secret Affair),” dagli ko siyang hinampas ng mineral bottle ko na napahimas ito sa braso na tinamaan ko.
“Ano’ng pinagsasasabi mo? Tumigil ka nga at baka may makadinig sa ‘yo,”
“Malay natin na magkatotoo ‘yong sinabi ko. Sa ibang telenovela kasi ay nagkakaroon ng sekretong relasyon ang employer at employee. ‘Yang pinasabay ka sa pagkain ay umpisa na ‘yan ng istorya niyo,”
BINABASA MO ANG
Vampire's Mate
VampireKaya ko bang magmahal nang isang bampira kahit kinamumuhian ko ang angkan nila?! Kaya ko bang talikuran ang lahat na nasimulan dahil sa pagmamahal?! Started: June 15, 2020 Ended: November 04, 2020 ©2020 Enjoy Reading 💓 Your_QueenAnonymous