CHAPTER 02

467 33 14
                                    

Chapter 02:

Lihim akong nag-inat ng mga braso dahil sa pagod at marahan ko rin hinilot ang mga darili ko dahil katatapos ko pa lang magtipa sa keyboard ng computer.

Napangiti ako sa sarili ng tumunog na ang bell ng company na ibig sabihin ay lunch time na.

Sa tatlong taon kong pagtra-trabaho sa kompanya ay mayroon na talagang bell na ipinalagay ni Mrs. Rosino sa building para daw sabay-sabay ang mga empleyado niya na kumain ng lunch sa cafeteria.

At ang pinagpapasalamat namin sa bagong may-ari ng kompanya ay wala itong binago sa rules and regulation.

Napatingin ako sa cellphone ko na nakalagay sa ibabaw ng mesa ng mag-vibrate iyon at may lumabas na message.

From: Roselle

Lunch time na. Sabay tayo?

Napangiti ako sa nabasa na galing kay Roselle. Palagi niyang ginagawa ang bagay na iyon tuwing sumasapit ang lunch time kaya palagi kaming sabay pumupunta sa cafeteria.

To Roselle:

Sige.

Tipid kong sagot sa message niya kaya inayos ko muna ang mga gamit ko bago tumayo sa swivel chair.

“Nakikinig ka ba sa mga sinabi ko, Ms. Simsom?” Napaigtad ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang malamig na boses.

Dahan-dahan akong napalingon sa gawi ng taong nagsalita kaya napaayos ako ng tayo.

“Ano po a-ang sinabi niyo Mr. Cameron?” Napalunok ako dahil nakikita ko sa mukha niya ang walang ekspresyon.

Nakita ko na tumaas ang sulok ng labi niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin dahil hindi ko man lang namalayan na nasa malapit ko na ito.

“Ang sabi ko na bilhan mo ako ng pagkain sa cafeteria,” walang ganang sagot niya.

Nasa iisang opisina lang kami na magkasama dahil pinalipat niya ako kahapon na inalis ako sa cubicle ko.

Ang dahilan niya kung bakit ako pinalipat ay dahil tamad siyang gumamit ng intercom para tawagin ako kung may kailangan siya.

“Yes Mr. Cameron.” Yumuko ako bago kinuha ang handbag ko sa ibabaw ng mesa.

Naramdaman kong tumalikod na si Mr. Cameron sa ‘kin na pabalik sa mesa niya.

Lihim akong huminga dahil naramdaman kong biglang bumilis ang tibok ng puso ko na hindi malaman ang dahilan.

Nang akmang pipihitin ko na sana ang seradura ng opisina ay napahinto ako dahil nagsalita ang boss ko kaya lumingon ako.

“Bumili ka ng pagkain na kasya sa dalawang tao,” utos nito na nakatingin sa ‘kin ng diretso kaya napatango ako sa sinabi niya.

“Yes Mr. Cameron,” sagot ko na biglang lumabas ng opisina at tinahak agad ang exclusive elevator na para lang kay Mr. Cameron at sa ‘kin bilang secretary.

Tumunog na ang elevator na hudyat na nasa ika-limang palapag na ako na kung saan nandito ang cafeteria.

Tinahak ko ang pasilyo patungo sa entrance ng cafeteria na medyo dumadami na ang mga tao,samantala kanina ay nag-text ako kay Roselle na mauna na lang dito dahil may inuutos pa si Mr. Cameron.

Agad akong pumunta sa food counter at bumili ng pagkain na sinabi ko na para kay Mr. Cameron na agad naman ako inaasikaso.

Adobong manok, beef steak at fish fillet ang inorder ko dahil hindi ko naman alam kung ano ang gustong kainin ni Mr. Cameron.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon