CHAPTER 27

283 21 5
                                    

Chapter 27:

Lumipas ang mga araw na walang nangyayaring kakaiba, kung baga ay normal lang ang araw na lumilipis sa 'min hanggang sa binisita ko ulit si Ate Florence sa kwarto niya nang lubos na itong magaling.

Gusto ko siyang makausap ng masinsinan tungkol sa kanila ni Ash. Hindi ako papayag na hindi ko siya makausap sa bagay na 'yon.

"Ate." Untag ko dito kaya nag-angat siya ng tingin at nakita ko din na nilaro niya ang kanyang darili na nasa ibabaw ng hita niya.

"K-Kasi... ang hirap ipaliwanag," mahina ang boses nito. "H-Hindi ko alam kung saan sisimulan ang pagkwe-kwento." Nag-iwas siya ng tingin kaya inabot ko ang kamay niya para pisilin iyon.

Nasa mini sofa kami ngayon dito sa kwarto nila. Naka-upo siya sa pang-isahan samantala nasa mahabang sofa naman ako.

"Makikinig ako kahit ano man 'yan." Malambing kong saad dito kaya tumingin ulit siya sa 'kin.

"Nagsimula iyon sa isang misyon na ibinigay sa 'kin ni Eros." Si Eros ay ang leader sa grupo namin bilang mga vampire hunter ngunit 'yong binuo niyang grupo ay bilang nagwatak-watak na hindi namin alam ang dahilan.

Si Ate Florence ang nagturo sa'kin no'n sa mga bagay na dapat kung malaman tungkol sa mga bampira.

"Binigyan niya ako ng misyon para patayin ang isang rogue vampire na gumagala sa mundo natin. Akala ko ay magiging madali ang misyon ko no'ng gabi ngunit mali pala ako. May kasama pang ibang rogue ang target ko. Nasa lima ang bilang nila kaya hindi ko alam kung sino ang uunahin ko dahil may mga hawak silang biktima. Alam naman natin na mabilis kumilos ang mga bampira kaya nag-isip ako ng mabuti para alam ko ang gagawin. Nang nakakilos ako ay mabilis kong pinatay ang dalawa kaya mabilis ding kumilos ang tatlo hanggang sa nahawakan nila ako dahilan para matapon ang dala kong panlaban sa kanila. Akala ko katapusan na ang gabing 'yon ngunit mali ako dahil may biglang tumulong sa 'kin na agad napabagsak ang mga rogue... at si Ash ang tumulong sa 'kin hanggang sa hindi na niya ako nilubayan simula no'ng unang gabing pagtatagpo ng landas namin." Kwento niya kaya mas naging interesado pa ako.

"Paano kayo nagkaroon ng relasyon? Nilihim mo ang bagay na 'yon sa 'kin." Seryusong turan ko.

"Akala ko ay hindi mahuhulog ang loob ko sa kanya ngunit mali pala ako dahil sa bawat paglapit niya sa 'kin ay nakakalma ang puso ko dahil sa saya na nararamdaman. Alam kong mali ang ginagawa ko dahil bawal sa 'tin ang mahulog o magmahal sa isang bampira dahil vampire hunter tayo," alam ko ang bagay na 'yan kaya nagalit si Ate Florence nang pinili ko si Lincoln. Bawal ang umibig sa 'min dahil mananagot kami sa mas makakataas ngunit hindi ako natatakot. "Bawat araw na lumilipas ay mas napapalapit ang puso ko sa kanya hanggang sa dumating na ilihim namin ang relasyon na pareho naming ginusto. Hindi ko naman inaakala ay mabubuntis ako ni Ash." Biglang umiyak si ate kaya agad akong lumapit sa kanya na umupo ako sa gilid ng sofa.

"Huwag kang umiyak." Yakap ko sa kanya.

"Sinabi ko kay Ash ang tungkol sa pagbubuntis ko at tanggap niya ang bata ngunit nalaman ni Eros ang bagay na 'yon  kaya binantaan niya ako. Dapat ipalaglag ko daw ang bata sa sinapupunan ko at hindi ko kaya ang gano'ng bagay. Ayokong pumatay na isang bata na nasa loob ko. Inaya ako ni Ash na sumama sa kanya na hindi ko naman matanggap dahil hindi ko kayang talikuran ang grupong kinabibilangan ko. Alam natin kung ano ang kayang gawin ni Eros pagdating sa mga bampira kaya napag-desisyonan kong magpakalayo-layo habang buntis ako at sa panahong din iyon ay pinutol ko ang ugnayan kay Ash dahil akala ko 'yon ang makabubuti kahit hindi niya gusto ang mga sinabi ko," humikbi ito kaya mas niyakap ko siya. "Namuhay akong normal no'n hanggang sa sumapit ang kapanganakan ko na isang mayordoma lang ang nagpaanak sa 'kin. Ligtas kong nailabas ang bata sa sinapupunan ko bago ako nawalan ng malay pero ng nagising ako hindi ko nahawakan ang anak ko dahil wala ang mayordoma sa tabi ko. Kahit ang sakit ng katawan ko no'n ay pilit akong bumangon para hanapin ang anak ko pero wala akong nakita." Hindi ko alam ang gagawin ng humagulhol si ate.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon