CHAPTER 20

326 21 0
                                    

Chapter 20:

Lincoln's P. O. V.

Mahigpit kong hawak ang isang latigo na walang tigil hinahampas ito sa isang katulong na nakagapos ang magkabilang pulso nito sa mga poste na nasa gilid nito.

"Sino ang nag-utos sa 'yo?" Galit na tanong ko dito.

"W-Wala." Nahihina itong tumingin sa 'kin na nakangisi kaya agad na umakyat ang dugo ko sa ulo kaya mas malakas ko na nilatigo ang katawan nito kaya sumigaw ito sa sakit.

"Bro, baka mapatay mo ang babaeng 'yan." Ramdam ko ang paghawak ni Knight sa balikat ko.

"I don't mind kung mapatay ko ang babaeng kaharap ko ngayon." Galit na turan ko na hindi man lang nilingon ang nasa likod ko dahil nakatingin ako sa babae na nakayuko ang ulo.

"Kami na ang bahala sa babaeng 'yan." Tinapik-tapik niya ang balikat ko.

"Ako ang magpapahirap sa kanya." Masyado akong nagagalit sa babae at hindi ko maiwasan magalit din sa sarili ko.

"Tsk, umalis kana dito at puntahan mo na lang si Mary, baka gising na ito." Nang dahil sa sinabi niya ay lumingon dito.

"O-Okay. Bantayan niyo ang babaeng 'yan." Utos ko na tumango ito sa akin kaya humakbang na ako papunta sa pinto ng dark jail ngunit bago ako pagbuksan ng bantay sa pintuan ay napalingon ulit ako kay Knight dahil nagsalita siya.

"Bago ka magpakita sa asawa mo, pilitin mo munang pakalmahin ang sarili mo." Seryusong turan niya kaya hindi ko na lang pinansin 'yon.

Nang nakalabas na ako sa dark jail ay hindi muna ako nagtungo sa kwarto ng asawa ko. Una kong pinuntahan ang sarili kwarto na dumiretso sa banyo at walang salitang tumingin ako sa salamin.

Tulad ng sinabi ng pinsan ko ay pilit kong kinalma ang sarili dahil hindi pwedeng magpakita ako kay Mary na sobrang pula ang mata ko ng dahil sa galit. Hanggang sa unti-unting bumabalik ito sa normal na kulay at nang masigurado kong kumalma na ako ay lumabas ako sa kwarto at tinatahak ko ngayon ang pasilyo na papunta sa kwarto ng asawa ko.

Nasa tapat na ako ng pintuan nito kaya mula sa labas ay naririnig ko ang boses niya kaya agad akong pumasok.

Nang natuon ang paningin niya sa akin habang naka-upo siya sa kama at nakasandal sa headboard ang kanyang likod ay walang pagdadalawang isip na lumapit ako dito para yakapin siya ng mahigpit.

"I'm sorry, baby. I'm sorry. Akala ko ay mahuhuli ako ng dating." Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

"L-Lincoln." Naramdaman kong yumakap din siya.

"Forgive me. I swear na hindi na 'yon mauulit. I'll protect you no matter what, I love you." Mas hinigpitan ko ang yakap dito na sumisinghot na parang bata.

"Baby, don't cry," mababang saad niya na hinawakan ang magkabilang braso ko kaya lumayo ako sa kanya para tignan sa mata. "Wala kang kasalanan sa nangyari. At wala namang nangyari sa 'kin dahil dumating kayo para iligtas ako." Nakangiti na ito kaya inabot ko ang noo nito para halikan ng marahan.

"How's my wife?" Baling ko sa family Doctor namin na nakatayo sa lang gilid.

"She's okay now, King. Nagamot na namin ang sugat niya pero kailangan niyang magpahinga para bumalik agad ang lakas dahil may lason ang bala na tumama sa braso nito." Magalang na sagot ng Doctor kaya tumango ako.

"Thank you. You can leave now." Utos ko dito kaya tumango ito.

"Ibibigay ko na lang ho mamaya ang mga gamot." Magalang ito na yumuko at pagkatapos no'n ay lumabas na sa kwarto.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon