CHAPTER 24

276 20 8
                                    

It's exactly October 11, 2020 at gusto ko lang batiin si Ate Jessa Parafina Espino ng Happy 19th Birthday! Finding jowa po ito HAHAHA.

Chapter 24:

Lincoln's P. O. V.

Mataman akong nakikinig sa ama ko na nagsasalita sa harapan namin tungkol sa mga importanteng bagay sa mundo namin. Ang pormal nitong tignan na animo'y lahat ng kapangyarihan nito ay ginagamit niya sa harapan ng mga noble vampire na kasama namin sa pribadong bulwagan.

Ngunit hindi ko maintindihan ang lahat ng sinasabi ng ama ko dahil panay ang tingin ko sa bukas na bintana. Nag-aalala ako dahil hindi ko nasamahan ang asawa ko para makipagkita kay Florence. Kahit may mga kasama pa ito ay hindi ako komportable.

"Ang mga kalahi natin ay matatagpuan din sa mundo ng mga tao. Nagkakalat sila sa mga bansa ng Europe at New Orleans kaya dapat natin sila mahanap para magabayan kung paano nila kontrolin ang mga sarili nila sa tao." Lihim akong napabuntong-hininga na ibinaling ang atensyon sa ama ko.

"Ngunit nagkakalat ang mga rogue sa dalawang lugar na binanggit mo." Komento ni Lord Harris sa sinabi ng ama ko.

Nakapalibot kami sa mahabang mesa habang naka-upo sa silyang nakalaan sa amin at may mga kopita sa harapan namin na may lamang dugo ng hayop na siyang nagsisilbing unomin. Nasa labing-dalawa ang bilang ng mga noble vampire na kasama na ang ama ko do'n na maliban sa akin.

"Sang-ayon ako sa sinabi ni Lord Harris. Marami ang mga rogue vampire do'n kaya mahihirapan tayo na hanapin ang ibang mabubuting bampira." Segunda ni Lord Vitel.

"Kaya natin hanapin ang lahat kung magtutulungan tayo. Malapit na Red Moon na kung saan nangyayari ito sa loob ng daang taon. Marami ang mapapahamak kung hindi agad tayo gumawa ng aksyon." Ang ama ko ang nagsalita.

"Tama ang sinabi mo, Lord Abraham. Ngunit hindi tayo sigurado kung mangyayari ang sinasabi ng propesiya. Ilang daang taon na tayong naghihintay ngunit hindi pa rin natin nalalaman kung sino ang magiging makapangyarihang bampira na siyang mamumuno sa mundo natin." Napatingin ako kay Lord Elis na hindi maipinta ang mukha niya.

Tama ang sinabi nito na hindi pa rin namin alam kung sino ang magiging makapangyarihan. Dahil ayon sa propesiya kapag sumasapit ang isang daan taon ay baka lumitaw o lumabas ang isang bampira na siyang mamumuno sa lahat ng lupain at hindi makakatanggi ang iba do'n dahil masyadong malakas ang kapangyarihan nito laban sa amin.

Daang taon na ang gulang ko kaya gusto ko din makilala ang sinasabi sa propesiya. Makikilala namin ang magiging makapangyarihan kung tutubuan ito ng tattoo sa likod. Kaya gusto ng mga noble vampire na hanapin ang lahat na mga bampira sa iba't ibang panig para makita namin ang mga likod nila at possible din na sa isang rogue ito lumitaw na hindi namin gusto.

Nakinig na lang ako ng mabuti sa pinag-uusapan nila dahil wala akong ganang sumabat. Matamaan ko lang tinitigan ang ama ko na nagsasalita pa rin ngunit lahat kami ay nabigla ng lumakas ang hangin na pumasok ito sa bulwagan dahil nabuksan ang lahat nang nakasarang bintana. Hindi malamig ang hangin dahil mainit ito sa balat kaya hindi ko maiwasan makiramdam sa kalikasan.

"L-Lincoln." Para akong nabuhusan ng tubig ng marinig ko ang pangalan ko sa hangin kaya napatayo agad ako sa kinauupuan.

"Anak." Kahit tinawag ako ng ama ko ay hindi ko ito pinansin.

"May nangyaring masama," siyang naiusal ko. "Si Mary. Ang asawa ko. Fuck!" Nasabutan ko ang sarili ko na agad akong tumakbo sa bintana at hindi ko pinansin ang tawag nila sa akin.

Mabilis akong lumukso pababa kahit mataas iyon. Nang nasa lupa ako ay mabilis ko naman tinakbo ang kagubatan na alam kong malayo ang kinaroroonan nila. Habang tumatakbo ako ay naramdaman ko agad na may kasabay ako sa pagtakbo dahil kahit mabilis ang mga kilos namin ay nakikita ko sila sa gilid ng mga mata ako.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon