CHAPTER 22

335 25 5
                                    

Chapter 22:

Dahil ramdam ko ang dalawang bagay na nakadagan sa akin baywang ay naalinpungatan ako sa pagtulog. Kaya dahan-dahan akong nagmulat ng mata at marahan na nagkusot na medyo lumiliwanag na ang paningin ko.

Ngunit nagulat ako dahil nasa gitna namin si Hunter na nakayakap sa akin ng mahigpit na ang hita nito ay nasa baywang ko samantala si Lincoln ay nakayakap naman ang braso niya sa akin.

Bigla akong napatingin sa sariling katawan at nakahinga naman ako ng mabuti dahil nakasuot ako ng bagong nighties na si Lincoln yata ang nagbihis sa akin. Napailing na lang ako sa nangyari kagabi sa amin dalawa at hindi ko maiwasan na matawa dahil mahina itong humihilik.

May bampira bang humihilik?

Tinitigan ko ang dalawang mukha na sobrang gwapo. Halos lahat ng physical look ni Hunter ay nakuha niya sa kanyang ama. Parehong maputla ang mga labi pero nasa maayos ang hulma nito.

Marahan na gumalaw ang anak ko na magigising na dahil nagkusot ito ng mata na kumurap-kurap pa.

"Good morning, mama." Napangiti ako ng napansin niya na nakatitig lang ako.

"Good morning too, baby." Malambing na turan ko na inabot ang noo niya para halikan ng masuyo.

"Ang sarap ng tulog ko." Nakangiti itong sa akin.

"Bakit naman?" Masuyong tanong ko.

"Dahil katabi ko kayo ni papa natulog. Alam niyo po ba na matagal ng nagbabantay sa atin si papa kahit hindi kayo nagkikita."

"P-Paano mo nasabi?" Binigyan ko muna ng sulyap si Lincoln na tulog pa rin bago bumaling sa anak ko.

"Kasi gabi-gabi siyang nagbabantay sa atin. Sa tuwing hatinggabi ay gumigising ako para makipaglaro sa kanya sa kabilang kwarto. Kapag gumigising ako ay dahan-dahan lang ang mga galaw ko dahil ayaw kong magalit ka kapag maabutan mo ako. Mama, matagal ko na po talaga kilala si papa, sa tuwing umaalis ka ay palagi siya nasa tabi ko at minsan no'n ay sinasama niya ako kila lolo at lola kaya kilala ko na sila simula pa noon." Parang kumurot ang puso ko dahil sa sinabi niya.

"Galit ka ba kay mama dahil hind ko naibigay 'yon sa 'yo?" Tanong ko dito na agad naman umiling.

"Hindi. Ba't ako magagalit sa inyo? E, kayo naman ang mama ko." Malambing nitong sagot na yumakap sa akin ng mahigpit.

"Ngayon ay buo na ang pamilya natin. At masaya si mama dahil ito ang pangarap ni Baby Hunter." Hinalikan ko ulit ang noo nito.

"I love you, mama."

"I love you too, Baby Hunter."

"How about me?" Nag-angat ko ng tingin dahil biglang nagsalita si Lincoln na namumungay ang mga mata nito kaya napangiti ako ng matamis dahil ang gwapo nitong tignan kahit kagigising pa lang.

"Good morning, papa." Kumalas si Hunter ng yakap sa akin na bumaling sa ama niya na yumakap dito.

"Good morning too, Baby Hunter," bati ni Lincoln dito na hinalikan din sa noo ang anak namin. "And good morning to my beautiful wifey." Tumingin ito sa akin na may ngiti sa labi na agad inabot ang batok ko para bigyan ng isang halik sa labi.

"Wow! Kiniss ni papa si mama." Masayang saad ni Hunter na pumalakpak pa ito kaya napailing na lang ako.

"I love you mama," kinindatan ako ni Lincoln. "And I love you two, baby." Baling niya sa anak namin.

"I love you both, my treasure." Masayang saad ko sa dalawang lalaki na mahalaga sa buhay ko.

Nagkwentuhan pa kaming tatlo sa kahit anong bagay at sinabi din ni Lincoln kung bakit nasa gitna namin si Hunter ng gumising ako.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon