CHAPTER 13

330 23 0
                                    

Chapter 13:

Kinuha ko ang mga natitirang damit na nasa walk-in-closet at bumalik ulit ako sa kama na nasa ibabaw nito ang maleta namin ng anak ko dahil kailangan namin makaalis sa islang ito.

Hindi pwede na magtagal kami rito sa Izeland Island na kasama si Lincoln at gusto ko na rin mag-resign sa kompanya niya bilang secretary.

Napatingin ako sa pintuan ng biglang bumukas iyon kaya lihim akong napalunok.

"Ano ang ginagawa mo? Ba't ka nag-aayos ng mga gamit niyo?" Tanong niya na tumingin sa mga mata ko.

"A-Alis na kami ng a-anak ko." Nag-iwas ako ng tingin rito.

"Pero sa susunod na araw pa ang uwi natin papuntang lungsod."

"Gusto ko ng bumalik at ayokong magtagal dito." Mahinang sambit ko.

"May kinalaman ba ito sa panliligaw ko sa 'yo kaya gusto mong umalis?" Napatingin ako sa mata nito at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sagot kaya lumunok ako.

"Huwag mo nang ituloy ang balak mo dahil malabong mangyari ang bagay na iyon." Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin na hinawakan ang magkabilang kamay ko at ramdam ko ang malamig niyang palad.

"Paano si Hunter? Maghahanap siya sa akin. Hindi pa nga ako nag-uumpisa sa panliligaw sa 'yo pero aalis ka na, ba't hindi mo ako hayaan na iparamdam sa 'yo na seryuso ako sa bagay na iyon." Nababasa ko sa mukha niya ang pagsusumamo.

"L-Lincoln, patawad pero ayoko."

"Dahil ba sa isang bagay kaya kayo aalis ngayon? Dahil ba sa nakita mo kaninang madaling araw?" Pilit kong binawi ang kamay ko na hawak pa rin niya ngunit hindi niya ito binitiwan.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Mahinang sambit ko dito.

"Damn it, Mary. Alam mo kung ano ang sinasabi ko kaya huwag na tayong maglukuhan." Seryusong saad niya kaya lumunok ulit ako dahil may bumabara sa lalamunan ko.

"Layuan mo na lang kami ng anak ko at pangako walang makakaalam sa bagay na iyon."

"Natatakot ka ba sa malaman na isa akong... bampira?" Nanlamig ang katawan ko ng biglang may lumabas na pangil sa bibig niya.

Hindi ko alam ang gagawin dahil mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko at hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko.

"Sabi ko na nga ba na natatakot sa 'kin. Natatakot ka na baka agad kong sakmalin ang leeg mo." Biglang naging basag ang boses nito na kasabay ng pagbitaw sa kamay ko.

"Hindi ako natatakot pero kailangan namin lumayo sa 'yo." Ani ko dito na agad binaling ko ang atensyon ko sa pag-aayos ng gamit namin.

"Ba't hindi ka nagulat ng nalaman mo na isa akong bampira?" Napahinto ako sa ginagawa.

Ano ba ang idadahilan ko?

"D-Dahil hindi na bago iyon sa a-ak---"

"Dahil may isang bagay ka na itinatago at alam ko iyon." Napalingon ako dito.

"Tinatago?" Kunot-noong tanong ko.

"Alam mo ang sinasabi ko. Siguro naman alam mo din na marunong magbasa ng isip ang isang bampira kaya alam ko ang laman ng isip mo."

"So, matagal mo na pala nababasa ang isip ko tuwing magkasama tayo?" Hindi ko maiwasan maging sarkasmo sa kanyang sinabi.

"Yes. Since the first day I saw you ay nababasa ko na ang isip mo at kaya gusto mong umalis sa islang ito dahil natatakot kang patayin ako." Naging seryuso ang mukha niya at boses.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon