CHAPTER 17

334 26 7
                                    

Chapter 17:

Unang apak ko pa lang sa mundo nila ay agad na nanginig ang mga tuhod ko dahil hindi ko inaasahan na matinding kaba pala ang mararamdaman ko.

Dati ay nasusuklam ako sa mga bampira at nangako pa ako na hindi ako kailanman pupunta o aapak sa mundo nila pero heto ako ngayon sa mundo nila na kasama ang mag-ama ko. Mabuti na lang ay inalalayan ako ni Lincoln kanina na pinaramdam sa akin na hindi dapat ako matakot.

"Sa susunod na araw ang kasal niyo ni Lincoln, Mary." Minasdan ko ang ama ni Lincoln na si Abraham ang pangalan nito.

Nasa library kami ng kanilang mansion na kasama ang ina niya. At medyo natatakot ako sa ama ni Lincoln dahil masyadong pormal ito tignan.

"O-Okay po." Hindi ko magawa na tignan ito sa mata.

"Huwag kang matakot." Bulong ni Lincoln na pinisil ang kamay ko na kanina niya pang hawak dahil magkatabi kami ng upuan.

"Mas mabuting kung gaganapin ang kasal ng dalawa sa araw ng kabilugan ng buwan." Suhestyon ni Mama Rain.

"'Yan din ang naiisip ko." Segunda ng asawa nito.

"Sigurado ka ba sa desisyon mo, Mary?" Napatingin ako sa mahinahong tanong ni Mama Rain.

"Sigurado na po ako," sagot ko na bumaling kay Lincoln. "Nandito na ako sa mundo niyo kaya alam ko na walang atrasan ito lalo na kung para sa anak ko." Ngumiti ito sa akin kaya napangiti ako.

"Kita naman talaga ang dahilan mo." Agad akong tumingin sa ama ni Lincoln dahil may panunukso sa boses nito.

"Sinabi mo pa, Abraham." Agad kong nakuha ang ibig sabihin nila kaya ramdam ko na namula ang mukha ko.

"Huwag niyo ngang apihin ang magiging asawa ko." Mas namula ang mukha ko kaya napayuko ako dahil sa sinabi ni Lincoln.

"Hindi naman namin inaapi ang daughter-in-law namin." Komento ng ama niya.

"Look, namumula 'yong magkabilang pisngi ni Mary." Marahan na tumawa si Mama Rain.

"Tsk, basta inaapi niyo ang asawa ko." Parang batang usal ni Lincoln kaya tukso ang inabot namin sa magulang niya.

Nang natapos ang usapan namin tungkol sa kasal namin ni Lincoln ay umalis na kami sa library na tinungo ang kwarto ko. Samantala si Hunter ay dinala sa pinaka-sekretong kwarto na binabantayan ng mga pinagkakatiwalan ng pamilya nila at alam ko sa sarili na panatag ang loob ko do'n.

Hindi ko ikakaila na maganda ang mansion nila Lincoln dahil may malaking chandelier sa unang palapag at sa bawat kwarto daw ay may mga maliliit na chandelier din.

Mas madami din 'yong mga bampira sa mansion nila na hindi katulad sa mansion ni Lincoln na nasa mundo pa kami ng mga tao. Pero ang sabi niya ay mababait naman ang mga ito pero hindi ko pa rin maiwasan na mag-ingat dahil mga bampira ang nakapaligid sa akin at alam ko na naaamoy nila ang dugo ko bilang isang tao.

Nang nahatid ako ni Lincoln sa kwarto ko ay siya na mismo nagbukas ng pinto para sa akin.

"Salamat." Tipid na turan ko na kasabay ng pag-upo sa gilid ng kama.

"Para saan?" Kunot-noong tanong niya na nakatayo lang sa harapan ko.

"Dahil preno-protektahan mo ako sa mga bampira na nakapaligid sa 'kin. Alam ko naman na kanina pa sila nagpipigil na hindi ako makagat dahil kasama kita." Sagot ko dito kaya lumapit siya sa akin na umupo sa tabi ko kaya umayos din ako ng upo.

Tinignan niya muna ang dalawang kamay ko na hinawakan niya iyon bago tumingin sa mga mata ko.

"Kahit anong mangyari ay hindi ko hahayaan na masaktan ka dahil hindi 'yon kakayanin ng puso ko." Ngumiti ako rito.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon