CHAPTER 16

371 20 0
                                    

Chapter 16:

Narating ko ang San Pedro ng Laguna na siyang binigay na address ni Ate Florence. At nakipagkita siya sa akin sa maliit na park na hindi naman dinadayuan ng mga tao.

Hindi alam ni Lincoln na umalis ako kaya ginamit ko ang isang motor na nakita ko sa garahe nila. Masyado ding malayo ang Laguna sa kanilang mansion na nasa kakahuyan kaya medyo madilim na ang paligid.

"Ano ba ang nangyayari sa 'yo kaya ganyan ka?" Tanong niya habang naka-upo kami sa isang bench.

"Wala namang nangyayari sa 'kin." Buntong-hiningang sagot ko dito.

"Nakikita mo ba ang sarili mo na kinokontrol ka niya kaya agad kang napapasunod sa mga salita nito." Napalingon ako dito dahil sa turan niya.

Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi iyon sa akin na akala mo naman kilala na niya sa Lincoln, kung tutuusin ay hindi pa naman sila masyadong nagkakaharap.

"Nasa peligro ang anak ko kaya kailangan ko magsakripisyo." Seryusong sambit ko.

"May paraan para maligtas ang anak mo kaya huwag kang dumikit sa kanya." Galit ito kaya napalunok na lang ako.

"Ba't ba palagi mong alam ang lahat? Pati padaman sa nararamdaman ko kay Lincoln ay dapat mong kontrolin o ipagbawal?" Hindi ko magawang maging emosyonal sa harapan niya dahil pakiramdam ko ay hindi niya ako iniintindi

"Diyos ko! Ano ba ang nangyayari sa 'yo, Mary?" Nakita kong tinampla niya ang kanyang noo kaya nagbawi ako ng tingin dito.

"Kahit ngayon lang ay huwag kang makialam sa mga gusto kong gawin." Tumayo ako sa bench na nilapitan ang motor na malapit lang sa pwesto namin.

"We are a vampire hunter, Mary. Ang mga tulad natin ay pumapatay ng mga bampira kahit anong uri pa sila." Napalingon ako dito na nakatayo na din sa bench.

"Sa sampung taon na pagiging vampire hunter ko ay nagsasawa na din ako sa gano'ng bagay." Seryusong saad ko dito kaya agad na nanlisik ang kanyang mga mata.

"Nakakalimutan mo ba na ang mga bampira ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo?" humigpit ang pagkakahawak ko sa helmet ng motor. "Huwag mo iyon kakalimutan na ang mga bampira ang kumuha sa kaligayahan mo."

"Hindi ko iyon makakalimutan kahit mamatay pa ako pero alam ko na bawat kwento ay may mali kaya kailangan ko 'yon alamin mag-isa."

"Pwede naman kita tulungan, 'di ba?" Mahinahong tanong niya sa akin kaya napabuntong-hininga ako dahil alam ko sa sarili na nahihirapan ako ngayon.

"Malaki na ang naging sakripisyo mo sa akin simula noon pero hayaan mo ako na ang mag-isip para sa sarili ko."

Simula nang namatay ang mga magulang ko ay ang pamilya ni Ate Florence ang nagkupkop sa akin at siya ang nagturo sa tulad ko kung paano lumaban sa mga bampira, na hindi ko ikakaila na kahit apat na taong gulang lang ang tanda niya sa akin ay magaling itong lumaban.

Pero sa oras na ito ay gusto ko na ako ang magdidesisyon sa sarili ko kung ano mga dapat kong gawin.

"Iiwan mo ang misyon mo ng dahil lang sa isang bampira," sarkasmong nitong usal. "Buksan mo ang mga mata mo para sa mga katotohanan na nakapaligid sa 'yo. Kinakain ka ng kanyang mahika."

"I'm sorry," paumanhin ko dito. "Ngunit hindi ko kayang iwan ang ama ng anak ko at kapag mangyari man ang bagay na iyon ay hindi kakayanin ng puso ko kaya sana maintindihan mo ako." Sana nga maintindihan ako ni Ate Florence kaya sumakay na ako sa motor na sinuot ang helmet.

"Nagsisimula palang ang totoong labanan natin sa mga bampira." Nang sabihin niya iyon ay hindi ko maiwasan ngumiti ng tipid.

"Palagi akong handa sa mga gano'ng bagay." Sambit ko na kasabay ng pagbuhay sa makina ng motor.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon