CHAPTER 03

452 32 7
                                    

Chapter 03:

Hindi ko maiwasan mapabuntong-hininga habang nakatayo sa waiting shed. Nagsisimula na ang kairitahan ko sapagka’t hindi pa ako nakakasakay.

Malapit na ang gabi dahilan upang panay akong tumingin sa mga pampublikong sasakyan na dumadaan pero halos puno na ang mga ito ng mga pasahero lalo na ay rush hour ngayon.

“Hi Mary!” Tumingin ako sa bagong dating na tumabi sa ‘kin.

“Hello,” walang ganang bati ko.

“Naghihintay ka ba ng sasakyan?” Tinaasan ko ng kilay si Kenneth na co-employee ko.

Kung hindi man ako nagkakamali ng hula ko ay nakapwesto ito sa Accounting and Finance Department.

“Obvious naman ‘di ba na nakatayo ako ngayon sa waiting shed. Hindi naman ako tatayo dito kung hindi ako naghihintay ng sasakyan.” Napakamot ito ng batok na parang nahiya sa ‘kin.

“Halos araw- araw ay ang sungit mo.” Umiling pa ito. “Kaya nga hindi ako sumusuko na ligawan ka dahil iyan ang nagustuhan ko sa ‘yo,”

Lihim na lang ako napa-irap sa sinabi niya dahil halos isang taon na itong nanliligaw sa ‘kin pero hindi ko ito pinapansin. Wala akong oras sa isang relasyon.

“Sinabi ko na sa ‘yo na wala kang pag-asa sa ‘kin kaya maghanap ka na lang ng iba.” Tinignan ko ito ng seryuso pero ngumiti lang ito sa ‘kin.

“Kapag gusto kong makuha ang isang bagay ay hindi ako sumusuko,” turan nito kaya napangisi na lang ako sa sarili.

“Nakaka-awa ka naman pala. Pilit mong pinasisiksikan ang sarili mo sa isang tao kahit ayaw sa ‘yo. Ganyan ba talaga kababaw ang tingin mo sa sarili mo?” tanong ko kaya umigting ang panga nito na animo’y pikon.

“Tandaan mo na mapapasagot din kita,” mahina ang boses nito ngunit mababakas ko doon ang seryusong tinig.

Hindi ko ito pinansin dahil nagsasayang lang ako ng oras. Tumingin ako sa mga empleyado na malapit lang din sa ‘min na abala sa kakahintay ng sasakyan.

“By the way, gusto mo bang mag-dinner tayo next time?” ang kapal din pala nito kaya napailing ako bago siya lingunin kasabay ng pag-ngiti ko nang nakakaasar.

“Hindi ako interesado sa ‘yo kaya hindi din ako interesado sa dinner,”

Bumukas ang bibig niya na akmang magsasalita sana ngunit wala namang lumabas kaya inis ko itong inirapan. Naiinis na nga ako sa kakahintay ng sasakyan at dumagdag pa talaga siya. It’s really irritates me.

Hindi na nagsalita si Kenneth kaya naman nakahinga ako ng maayos dahil wala ng mangungulit sa ‘kin at nagpasalamat talaga ako ng saktong may dumaan na sasakyan kaya kahit nagsisiksikan ay sumakay na lang ako para makauwi na sa bahay.

Habang nasa biyahe ay naalala ko kanina na muntik ko ng makalimutan i-text si Roselle tungkol sa hindi ako makakapunta sa cafeteria dahil hindi ako pinaalis ni Mr. Cameron.

Madami itong replied sa texted ko. Hindi daw ako tumutupad ng usapan namin dahilan upang sabihin niya na paasa ako. Isa lang ang masasabi ko na nagtatampo talaga ito.

Hindi nagpakita si Roselle nang sumapit na ang uwian at may nakapag-sabi sa ‘kin na maaga daw itong nag-out.

Bukas na lang ako babawi sa kanya.

Halos apatnapu’ng minuto ang itinagal upang tuluyan huminto ang bus sa destinasyon ko kaya nag-abot ako ng bayad sa conductor bago bumaba.

Sa bawat apak ko nang daan ay nadidinig ko kung paano lumilipad ang mga tuyong dahon na isinasama ito ng hangin patungo sa kung saan man ang kanilang direksyon. Nililipad din ng hangin ang ilang hibla ng buhok ko kaya inipit ko ito sa likod ng aking tainga.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon