CHAPTER 14

326 28 0
                                    

Chapter 14:

Nang bumukas ang pintuan ng kwarto ay pumasok si Lincoln na pormal ang tindig nito kaya napatayo ako sa kama upang lapitan ito pero bumaling muna ito kay Roselle na tahimik lang.

"Lumabas ka muna." Utos niya dito kaya agad itong tumayo na walang salitang lumabas ng kwarto kaya lihim akong napabuntong-hininga dahil kanina pa kaming walang imik ni Roselle ng naka-upo siya sa sofa.

"Kamusta ang anak ko?" Tanong ko agad dito ng nakalapit na siya sa pwesto ko ngunit nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.

"Hindi mabuti ang lagay ni Baby Hunter." Mas humigpit ang yakap nito kaya hindi ko ito maitulak.

"A-Ano ba ang s-sinasabi mo." Pilit akong lumayo pero hindi ito pumayag kaya bumilis ang tibok ng puso ko.

"Siyam na araw na lang ang mayroon tayo kaya kailangan natin gumawa ng paraan para maligtas ang buhay ng anak mo." Kumalas na siya sa yakap ngunit hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"G-Gusto ko siyang m-makita ngayon kaya pakiusap dalhin mo ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa anak ko." Mahinang utos ko na hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya.

"Don't worry, binabantayan siya ng magulang ko." Bigla akong nainis sa sinabi niya.

"What the hell! Ako ang ina kaya dapat ako ang nag-aalaga o nagbabantay sa anak ko." Tinulak ko ito kaya marahan siyang napaatras.

"Kailangan muna natin gawin ang propesiya bago mo makita si Hunter." Tinignan ko ito ng masama.

"Propesiya? Ano ba ang sinasabi mo? Normal kami na tao at iba kayo sa amin kaya bakit pumasok sa usapan na ito ang propesiya?" Mataray na ani ko kaya napabuntong-hininga ito.

"Normal na tao nga ba ang anak mo? Minsan ba may napapansin 'ka sa kanyang kakaiba?" Balik na tanong ni Lincoln.

"Kung makapagsalita 'ka ay parang alam mo ang lahat. Ano ba ang alam mo sa buhay ko? Boss lang kita sa trabaho ko kaya kung ayaw mong ipikita sa 'kin ang anak ko ay pwede ko itong kunin sa 'yo ng sapilitan para makabalik kami sa normal na mundo." Seryusong turan ko.

"At sa tingin mo ba ay ibibigay ko ang anak ko sa 'yo." Nanliit ang mga mata ko ng dahil sa sinabi niya.

"A-Anak mo? Sino ba ang tinutukoy mo? Kailan ka pa naging ama ng anak ko?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Alam kong naguguluhan ka pero hayaan mo akong ipaliwanag iyon ngunit sa hindi ngayon." Hindi ko ito pinansin na umupo ako pabagsak sa kama at hindi ko maiwasan mag-alala ng husto sa anak ko na kahit anong pilit ko kay Lincoln ay parang hindi ito papayag na makita ko si Hunter.

"Ano ba ang ipapaliwanag mo," tumingin ako dito ng seryuso kaya tumuwid siya ng tayo. "Tungkol ba ito sa pagkatao ni Hunter? May kinalaman ka ba sa kanya?"

"Mary, pwede ba sa susunod na lang natin pag-usapan ang bagay na 'yan?"

"Paano kung gusto ko ngayon pag-usapan. At tulad nga ng sinabi mo kanina ay siyam na araw na lang ang natitira bago dumating ang kaarawan ng anak ko."

"Please, not now," nagpakawala ito ng malakas na buntong-hininga. "By the way, kumain ka muna." Lumapit siya sa akin na hinawakan ang kamay ko kaya napasunod ako sa kanya at hindi ko man lang magawa magprotesta sa mga kilos niya.

"Lalabas ba tayo ng silid?" Tanong ko dito.

"Yeah. Natatakot ka sa mga kalahi ko?" Umiling ako kaya ngumiti siya sa akin.

"Don't worry mabait naman sila kaya hindi ka nila kakagatin o pagpye-pyestahan at ako ang bahala sa 'yo." Napatango na lang ako kaya binuksan na niya ang pintuan na hawak pa rin ang kamay ko.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon