Chapter 15:
Napayakap ako sa sariling katawan ko ng lumamig ang hangin kaya napatingin ako sa malaking buwan na siyang nagbibigay liwanag sa buong labas ng mansion.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi kanina ni Lincoln kaya napabuntong-hininga na lang ako dahil seryuso ito at hindi ko na naman alam ang gagawin.
Na minsan din ay naiinis ako dito dahil may isang bagay siya na hindi sinasabi sa akin. Habang maghapon lang ako nakabantay sa anak ko na hindi naman si Lincoln lumayo o lumabas ng kwarto para bantayan kami.
"Malamig na." Naramdaman kong may ipinatong si Lincoln sa balikat ko na jacket kaya tumingin ako rito.
"Ba't ka nandito?" Pag-iiba ko.
"Gusto lang kitang makita kaya sumilip ako sa kwarto mo pero hindi ka naman nakahiga sa kama mo kaya naisip ko na nandito ka sa balkonahe." Napakagat-labi ako sa tinuran niya.
"Binabantayan ba ngayon ng mama mo si Hunter?"
"Yes. Pati 'yong tatlong pinsan ko."
Hindi na lang ako umimik na binalik ang atensyon sa buwan. Gusto ko ng matapos ang bagay na ito para magawa ang misyon ko at hindi ko rin maiwasan mag-alala kay Ate Florence dahil hindi ko pa ito natatawagan.
"Siguro ito na ang tamang oras para sabihin ko sa 'yo ang totoo." Napalingon ako sa sinabi kaya tumingin ito sa mga mata ko.
"Sabihin mo na, pakiusap." Umayos ako ng pagkakatayo upang humarap dito kaya gano'n din ang ginawa niya.
"Basta huwag ka lang magalit sa akin kung alam mo na ang lahat." Hinimas niya ang palad ko ng hawakan niya iyon kaya wala sa sariling napatango ako.
Nakita kong lumunok siya at huminga ng malalim kaya hindi ko maiwasan ang kabahan.
"Mary," huminga pa siya ng malalim na pinagmasdan ako ng mabuti sa mata. "Ako... ako ang gumahasa sa 'yo no'ng gabi." Mahinang usal niya ngunit dinig ko iyon ng klaro kaya napaatras ako sa kinatatayuan ko.
"I-Ikaw ang d-dahilan kung bakit nabuo si H-Hunter?" Gusto ko makasigurado kaya ng tumango siya ay nanginig ang tuhod ko. "Bakit? Bakit mo ginawa ang bagay na iyon sa akin?" Tanong ko dito.
"I'm sorry. I'm sorry, Mary." Humakbang siya palapit sa akin ngunit umatras ako kaya huminto siya.
"Alam mo ba ang hirap na dinanas ko habang dinadala ko sa sinapupunan si Hunter? 'Yong mga takot na sumakop sa sarili ko dahil iniisip ko kung paano ko bubuhayin ng mag-isa ang bata tapos ikaw... ikaw ang may kasalanan kung bakit siya nabuo." Hindi ko maiwasan sumigaw sa kanya ng dahil sa inis at galit.
"Nagsisisi ka ba na sinilang mo si Hunter sa mundong ito? Kaya ganyan ang mga sinasabi mo ngayon? Alam ko na mali ang nagawa ko pero hindi ako nagsisisi dahil may nabuo naman." Bigla ko itong sinampal sa pisngi dahil sa sinabi niya na hindi siya nagsisisi.
"Huwag mo akong galitin, Mr. Cameron." Babala ko dito ngunit ngumisi ito na bumaling sa buwan na hawak ang pisngi niya.
"Nagsisisi ka nga na nabuo si Hunter." Marahan pa itong tumawa kaya napalunok ako.
"L-Lincoln, hindi ko sinasad---"
"Alam mo ba sa tuwing nakikita kita sa malayo ay gusto kitang lapitan pero hindi ko magawa dahil natatakot ako," bumaling siya sa akin. "'Yong pinagbubuntis mo ang anak natin ay gusto kitang lapitan para damayan dahil gusto kong maramdaman mo na nasa tabi niyo lang ako pero may mga bagay na humahadlang sa mga gusto ko. Mula sa malayo ay pinagkakasya ko na lang ang sarili ko na pagmasdan kayo at sa tuwing gabi habang natutulog kang mag-isa sa bahay mo ay palagi kitang binabantayan dahil natatakot ako sa kalagayan mo." Nakita kong may naglandas sa pisngi niya na luha kaya napalunok ako.

BINABASA MO ANG
Vampire's Mate
VampirKaya ko bang magmahal nang isang bampira kahit kinamumuhian ko ang angkan nila?! Kaya ko bang talikuran ang lahat na nasimulan dahil sa pagmamahal?! Started: June 15, 2020 Ended: November 04, 2020 ©2020 Enjoy Reading 💓 Your_QueenAnonymous