CHAPTER 25

274 18 0
                                    

Chapter 25:

Mary's P. O. V

Kahit anong pilit ko na makalas ang lubid na nakagapos sa pulso ko ay hindi ko magawa. Nanghihina na din ako dahil kanina ko pa sinusubukan na lumuwag ang tali ngunit sorbang higpit nito kaya napabuntong-hininga ako.

Palaging pumapasok sa isip ko kung ano ang ginagawa ni Hunter at naiisip ko din si Lincoln kung ano na ang ginagawa nila ngayon.

Agad ko silang na-miss kahit magdadalawang araw pa lang ang nakalipas. Sana maayos lang sila ngayon.  Nag-aalala din ako kay Ate Florence kung ano ang nangyari sa kanya, sana maayos ang lagay nito.

"Gising na pala ang half sister ko." Hirap akong tumingin sa bagong pasok ng kwarto.

Nakahiga ako ngayon sa isang kama na pang-isahang tao lang at may nakapalibot sa 'kin na mga pulang rosas na nasa ibabaw ng ulo ko ang pulso ko.

"Kamusta ang nararamdaman mo? Excited ka na bang maging isa sa 'min?" Lihim akong napa-irap sa kaharap ko ngayon na nakatitig sa 'kin.

"Mas gusto kong mamatay kaysa maging kauri niyo." Walang emosyon tinignan ko ito.

"Ang harsh mo naman," napahawak ito sa dibdib niya na kunwari'y nasasaktan. "Anyway, ang saya ko ngayon dahil 'yong kapatid na pinagseselosan ko ay lubos na gagawing rogue vampire. Ang bait talaga ng ama natin dahil sinunod niya ang hiling ko." Pinaglandas ni Cheska ang kanyang darili sa mga rosas habang naglalakad palibot sa 'kin.

"Bakit niyo ba ginagawa ang bagay na ito sa 'kin? Bakit gusto niyong maging lubos na kauri ako sa inyo?" Inis na tanong ko dito kaya nakita kong inis itong tumingin sa 'kin.

"Hindi mo alam kung bakit namin ito ginagawa sa 'yo?" huminto ito sa paanan ko kaya nakikita ko ang ekspresyon niya. "Una sa lahat, ay gusto kang makasama ni papa bilang isang tunay na rogue vampire. He want you to be his Queen in his Kingdom in the future, and I really hate it because I want that position. Pangalawa, ay gusto niya na maging tuso din ang puso mo sa lahat ng bagay, too bad, ay nagmana ka sa nanay mo na mabuti ang puso. At sa panghuli, gusto ko na maging kauri ka namin para mapaghiwalay kayo ni Lincoln ng tadhana. Mas gugustuhin ko pang maging isang rogue vampire ka kaysa na makasama mo ang lalaking mahal ko." Nanlilisik ang mga mata nito sa 'kin.

"At sa tingin mo ba ay mangyayari ang lahat ng 'yon?" Sarkistong tanong ko dito. 

"Oo!" Sigaw niya. "Hindi mo pwedeng hindian ang tunay mong angkan. Kapag malaman nang lahat na isa kang rogue ay itataboy ka nila sa mansion ng mga Cameron."

"Alam ko na hindi mangyayari ang bagay na 'yan dahil mahal ako ni Lincoln. Lahat gagawin niya para iligtas ako dito sa impyernong kinahihigaan ko. Kaya humanda ka sa 'kin kung makawala ako dito." Seryusong banta ko dito ngunit nabigla ako ng mabilis itong kumilos na nasa harapan ko ito na agad akong sinakal.

"Anong laban mo sa isang rogue vampire kung kalahating tao ka pa lang?" Dumiin ang mga kuko nito sa balat ko dahil sa galit niya.

"Idiin mo pa ang mga kuko mo sa 'kin hanggang sa may lumabas na dugo sa leeg ko." Mas nagalit ito kaya pilit akong ngumisi kahit nasasaktan ako sa sakal niya.

"Huwag mo akong subukan, Mary. Baka hindi ako makapagtimpi sa 'yo." Mas sinakal niya pa ako kaya napaubo ako.

"M-Mas gugustuhin ko pa n-nga mamatay." Hirap na saad ko.

"Talaga papatayin kita ngayo---"

"Cheska, don't you dare to hurt your sister!" Malakas na turan ng bagong dating sa kwarto ko kaya agad napalayo si Cheska sa 'kin na tinignan ako ng masama.

"Lumabas ka muna." Utos ng bagong tingin kay Cheska na sumunod naman. "Ayos ka lang ba, anak?" Nang akmang hahawakan ako ni Aaron ay pilit kong iniwas ang katawan ko sa kanya.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon