Chapter 08:
Nakatingin lang ako sa anak ko habang kumakain kami ng almusal dito sa kusina namin.
"Mama, sama po ako sa inyo ngayon." Ngusong turan nito sa 'kin.
"Bawal. May pasok ka ngayon." Mariing saad ko rito na uminom ng kape.
"Pero naiinip na po kasi ako sa school at naiinip na rin ako sa teacher at mga kaklase ko ang pangit po nila." Mas lalong humaba ang nguso nito sa 'kin kaya pinandilatan ko ito ng mata.
"Hunter! Hindi iyan ang itinuturo ko sa 'yo. Dapat mong respituhin ang teacher mo." Pangangaral ko dito dahil lumalabas na naman ang pagiging pilosopo nito.
"Ayoko po sa teacher ko." Mahinang turan nito.
"Hindi kita pwedeng isama sa opisina at kung hindi ka papasok ay walang mag-aalaga sa 'yo rito." Mahinahong saad ko kaya nakita kong pinaglaruan nito ang pagkain niya na nasa plato habang nakayuko ang ulo.
"Mama, nasaan po ba si papa?" Parang naging bato ako sa kinauupuan ko dahil sa tanong ng anak ko.
Hindi ako makapag-isip kung ano ang isasagot ko rito.
"Anak... 'di ba nag-usap na tayo tungkol doon." Mahinang sagot ko.
"Alam ko po na bunga lang ako ng pangagahasa pero gusto ko pong makilala ang papa ko." Mas lalong kumirot ang puso ko.
Kahit bata palang ito ay hindi ko nilihim ang tungkol sa nakaraan ko ang tungkol na bunga lang siya ng isang bangungot.
Gusto kong mamulat siya sa realidad na pinalaki ko siyang mag-isa sa mundo kahit mura palang ang edad nito.
"Iyan ang hindi ko masasagot, anak. Dahil hindi ko kilala ang papa mo," pilit kong pinigilan ang luha ko dahil malapit na itong lumabas. "Pero palagi mong tandaan na mahal na mahal ka ni mama kahit tayo lang dalawang magkasama sa mundong ito." Dagdag ko na hinila ang upuan ko papalapit sa kanya para magkatabi kami na niyakap ito ng mahigpit.
"I'm sorry po kung bigla akong nagtanong sa inyo." Paumanhin nito sa 'kin kaya humiwalay ako ng yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi nito para titigan sa mata.
"It's okay baby." Buong puso ko itong hinalikan sa noo.
Nang matapos kaming kumain ay nag-ayos na ako ng sarili at inaasikaso ko rin ang anak ko na papasok ngayon sa paaralan dahil hindi ko ito pwede isama sa trabaho.
Sumakay na kami ng taxi na ilang minuto ang itinagal bago huminto ito sa paaralan ng anak ko.
"Ate Florence, bantayan niyo po ang anak ko rito." Mahinang saad ko na kaharap ngayon ang teacher ni Hunter.
"Sure Mary," nakangiting sagot nito na ginulo ang buhok ng anak ko ng binalingan niya ito. "Pumasok kana sa loob Hunter dahil nandoon na ang mga kaklase mo." Utos nito na bumaling naman si Hunter sakin na nginitian ko.
"Pumasok ka na, baby at huwag magpapasaway kay Teacher Florence." Malambing na sambit ko rito.
"Opo mama." Nakangiting sagot nito na pumasok na sa loob ng klase nila kaya naiwan kami ni Ate Florence.
"May problema ka ba? Kanina ka pa kasi hindi mapakali." Tanong niya kaya napabuntong-hininga ako.
"Binigyan nila ako ng babala kaya nababahala ako sa kaligtasan ng anak ko." Agad na sagot ko rito.
"Ang mga bampira?" .ahinang sambit niya kaya napatango ako.
"Halos tatlong araw na ang nakalipas ng nagparamdam sila sa 'kin."
"Huwag kang mag-alala dahil ligtas ang anak mo sa 'kin kung hindi mo siya kasama." apangiti na lang ako dahil sa sinabi niya sa 'kin.
Alam kong makapagtitiwalaan si ate Florence sa gano'ng bagay dahil siya ang nagturo sa 'kin noon kung paano lumaban sa mga bampira na gustong lumapit sa 'kin. Siya ang naging sandalan ko noon nang mag-isa ako sa mundo.
BINABASA MO ANG
Vampire's Mate
VampiroKaya ko bang magmahal nang isang bampira kahit kinamumuhian ko ang angkan nila?! Kaya ko bang talikuran ang lahat na nasimulan dahil sa pagmamahal?! Started: June 15, 2020 Ended: November 04, 2020 ©2020 Enjoy Reading 💓 Your_QueenAnonymous