CHAPTER 18

320 20 0
                                    

A/N: Gusto ko lang sabihin sa inyo na hindi ko po alam kung paano ikasal ang bampira at tao kaya gagaya na lang ako sa pagkasal ng mga tao.

Nag-search ako sa Google pero walang lumabas, o sadyang bobo lang talaga ako maghanap HAHAHA.

***

Chapter 18:

Nakangiti akong nakatingin sa full length mirror na hindi ko maiwasan magandahan sa ayos ko dahil ito ang hinihintay ng marami lalo na kami ni Lincoln. Na saktong bilog ang buwan na tumatagos ang liwanag nito mula sa bintana.

Isang puting ballgown ang suot ko na medyo mabigat dahil sa sobrang dami ng diamond at crystal.

At kinakabahan ako dahil ang mga bisita naming bampira ay mga maharlika, na hindi nakakapagtaka dahil kung sa tao ay mayaman din ang pamilya ng magiging asawa ko. Hindi ko naman maiwasan manghinayang dahil hindi makakadalo ang anak namin na hindi pa rin nagigising pero natutuwa ako dahil bukas ay magigising na ito mula sa dugo namin.

"Mary." Napalingon ako sa pintuan ng pumasok si Mama Rain na nakabihis din ng gown.

Nakangiti itong lumapit sa akin na pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Napakaganda mo sa suot mong ballgown. Bagay na bagay sa 'yo kaya hindi ko ikakaila na mas nahuhulog pa si Lincoln sa tulad mong babae," hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. "Huwag mong sasaktan ang anak ko." Malumanay na turan niya kaya tumango agad ako.

"Hindi ko sasaktan ang lalaking mahal ko." Segunda ko dito na mas lumawak ang ngiti niya.

"Pumunta na tayo sa baba." Tumango ako na tumingin muna sa salamin para huminga ng malalim at lumapit na kay Mama Rain.

"Tayo na po." Saad ko kaya nakita ko na kinuha muna ang isang bouquet ng bulaklak.

Ako ang unang lumabas sa kwarto na kasunod si Mama Rain at ang dalawa katulong ay sumabay sa 'min para samahan kami sa labas. Bawat pasilyo ay may nagbabantay at pormal ang mga tindig nila.

Sa isang malawak na hardin gaganapin ang kasal namin at sakop pa rin nila Lincoln ito dahil sobrang laki ng lupa na pagmamay-ari nila na hindi kasya ang isang araw na libutin o pasyalan.

Nang tuluyan na kaming nakalabas ng mansion ay nakikita ko ang labas ng hardin ay magarbo ang ayos nito at may mga nakaharang na disenyo ang bawat paligid para hindi makita ang nasa labas pero malinaw ko silang nakikita na pinaghandaan ni Roselle.

Mula sa kinatatayuan ay nakikita ko kung gaano kadami ang bampira at agad na lumapit ang wedding organizer sa 'kin na sinabihan ako kung ano ang gagawin ko kaya panay lang ang tango ko.

Hanggang sa sinabi nito na malapit ng mag-umpisa ang kasal namin kaya humanda na ako sa harapan ng isang pintuan bago ito bumukas.

--

Lincoln's P. O. V.

Hingang malalim lang ang ginawa ko habang nakatayo malapit sa altar na hinihintay ang pagdating ni Mary.

"Relax, Cous. Dadating din 'yon." Tinignan ko si Rose na nasa katabi ko lang dahil siya ang best man ko.

"Alam ko." Sarkistong saad ko dito.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal kana kay Mary na isang musmos na bata noon. Na mula sa malayo ay minamasdan mo ito." Napailing na lang ako dahil tama ang sinabi niya.

Matagal kong hinintay ang isang bagay na maging akin, ang babaeng kinababaliwan ko simula pa noon at hindi ko maiwasan matawa sa sarili dahil nahulog pa talaga ang puso ko sa isang tao.

"I love her, at 'yan ang rason kung bakit ako naghintay ng matagal." Seryusong turan ko.

"Kasi siya ang kapalaran mo na nakasulat sa propesiya na hindi pwedeng magbago." Segunda niya na marahan tinapik ang balikat ko kaya napailing ako na napapangiti.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon