CHAPTER 28

279 23 0
                                    

Chapter 28:

Nagising ako dahil ramdam ko ang mabigat na bagay na nakadagan sa 'kin at parang may sumasakal sa leeg ko kaya hindi ako makahinga ng maayos.

Unang bumungad sa 'kin ang mukha ni Hunter na natutulog na nakaawang pa ang labi nito na may konting laway na tumutulo do'n at lihim akong napatawa dahil imbis na mandiri ay cute ang tingin ko sa anak ko. Nakayakap ito sa leeg ko na ang hita nito ay pilit na sumisiksik sa baywang ko dahil may nakadantay din sa 'kin sa likod na sobrang bigat ng hita nito.

Naiipit ako ng dalawa lalo na ay mabigat ang braso ng asawa ko na nakayakap sa baywang ko na abot din ito sa anak namin.

"Lincoln." Kahit hirap ay pilit akong lumingon dito na nakapikit ang mga mata niya at sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin. "Lincoln." Tawag ko dito.

"Hmm." Tugon lang nito na mas niyakap pa ako kaya hindi na talaga ako makahinga dahil sobrang naiipit na ako.

"Alam kong gising ka kaya umayos ka nga." Saway ko dito ngunit hindi man lang ako nito pinapansin dahil nakapikit pa rin ang mata niya. "Kukurutin kita kapag hindi ka gumis---." mabilis ako nito binigyan ng smack kiss na dahan-dahan siya nagmulat.

"Ang ingay mo wife." Matipuno ang boses nito kaya napangiti ako sa isip.

"Umayos ka nga. Hindi talaga ako makakilos ng maayos." Reklamo ko na lang dito.

Tinitigan muna ako nito sa mata at hinalikan ulit ang labi ko ng mabilis. Gumalaw ang braso niya at hita kaya hindi na masyadong mabigat ang nararamdaman ko samantala ay bumaling ako sa anak namin na dahan-dahan ko naman na tinanggal ang maliit na braso nito sa leeg ko at inilagay ko ito sa baywang ko na agad sumiksik sa 'kin na hindi naman nagising.

Ramdam ko na binaon ni Lincoln ang mukha niya sa batok ko na niyakap ako ulit pero hindi na hindi masyadong mahigpit.

"Ang bango-bango ng asawa ko kahit kagigising pa lang." Bulong niya. "Sundan na kaya natin si Hunter ng kapatid." Agad ko itong siniko sa tiyan niya.

"Ang aga-aga kung ano ang pinagsasabi mo." Komento ko agad na tumawa lang ito ng marahan kaya ramdam ko talaga ang malamig niyang hininga.

"Hindi ka talaga mabiro." Kinagat niya ang batok ko kaya nagtaasan ang balahibo ko sa batok. "Kahit nga katawan mo ay iba ang reaksyon nito sa 'kin." Napasimangot na lang ako dahil kung ano-ano ang sinasabi nitong lalaki.

"Tumigil ka dahil baka marinig tayo ng anak natin at magising pa ito." Mahinahong utos ko.

Gamit ang isang kamay ay hinawakan niya ang pisngi ko para iharap ko ang mukha sa kanya.

"I am the beast and you are my beauty, Mary. Good morning and I love you. Mahal ko kayo ng anak natin higit pa sa sarili ko." Napangiti ako dahil nakikita ko sa mata niya ang pagmamahal.

"I love you too my beast. Mahal ko din kayo ng anak natin." Sa pagkakataon ito ay ako na mismo ang nagbigay ng halik sa kanya.

Ang daming sinabi ni Lincoln sa 'kin na matatamis na salita kaya walang ako magawa kundi ang ngumiti lang ng matamis dito. Kaya pinabangon ko na ito at baka kung saan-saan mapunta ang usapan namin. Ayaw ko naman magising ang anak ko dahil do'n.

Masyadong mahimbing ang tulog ni Hunter kaya inayos ko muna ang kwarto namin na medyo nagkakalat dahil naglaro sila ng kanyang ama kagabi. Inayos ko din ang kurtina na binuhol ko ang gitna nito kaya pumasok sa kwarto namin ang sinag ng araw.

Nang magising naman ang anak ko ay pinaliguan ko ito bago kami bumababa para mag-almusal dahil nauna naman si Lincoln bumaba. Naabutan naman sa kusina ang mga magulang ni Lincoln, ang tatlong pinsan niya na kasama si Ate Florence at Roselle. Tulad ng dati ay hindi marami ang kinakain nila na maliban lang sa 'min ng kapatid ko dahil tao kami na normal lang ang magutom.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon