Epilogue:
Nahihiya ako sa tuwing naaalala ko ang gabing iyon. Pilit ko itong ialis sa isipan ngunit hindi ko magawa ng tuluyan dahil hanggang ngayon ay natatakot ako na baka bumalik sa puso ko ang halimaw kahit malabo naman.
Marami na ang nangyari sa loob ng isang taon at ilang buwan, na parang trauma na iyon sa 'kin.
"Baby." Tawag ni Lincoln sa pangalan ko.
"Hmm?" Lumingon ako sa kanya.
"Kalimutan mo na ang bagay na 'yon," hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Kahit isa sa atin ay hindi ginusto iyon. Smile. Ayokong nalulungot ka." Tulad ng utos niya ay ngumiti ako.
"Pipilitin ko na kalimutan ang bagay na 'yon." Saad ko kaya ngumiti siya ng malawak.
"Good. Bumababa na tayo?" Tanong niya kaya tumango ako dahil nasa kwarto kami ngayon na kaharap ko ang vanity mirror.
Lumabas na kami na tahimik lang tinahak ang hallway patungo sa baba.
Pagkababa pa lang namin ay nakita kong nakaayos ang buong ground floor. Sa bawat sulok ay may preskong bulaklak na naka-display at may mga lobo pa na kulay pula na nagkakalat sa sahig. Simple lang ang ayos pero maganda ito sa paningin. ko.
"Mama, papa!" Tumakbo papalapit si Hunter sa amin na agad kong sinalo dahil lumakso ito. "Nagustuhan niyo po ba?" Malambing niyang tanong na hinalikan ako sa pisngi.
"Oo naman." Nakangiting sagot ko dahil siya mismo ang nag-isip sa mga bagay na nakikita ko ngayon.
"Ang ganda mo ngayon, anak." Nabaling ang atensyon ko kay mama na nakatayo at katabi si papa.
"Salamat po." Pasalamat ko na lang.
Nilibot ko pa ang paningin at nakita ko sila Glery at Roselle magkatabi samantala si Knight at Rose ay wala dito sa mansion dahil may mga importanteng bagay silang ginagawa na paminsan-minsan na lang bumibisita dahil may mga sariling pamilya na din ang mga ito.
Kami-kami lang ang magsasalo-salo sa maliit na okasyon kahit makapangyarihan pa ang pamilya namin.
"Happy Anniversary sa inyo ng kapatid ko." Nakangiting lumapit si Roselle sa 'kin habang hawak ang tiyan niya.
"Mukhang nahihirapan ka nang lumakad." Imbis na magpasalamat ay natatawa kong hinawakan ang tiyan niya na malaki dahil kabuwanan niya ngayon sa panganganak. "Hello baby." Bati ko dito.
"Oh! Tumadyak siya." Manghang segunda ni Roselle na hinawakan din ang tiyan niya.
"Mukhang gusto niya na talagang lumabas." Nakangiti ako na inalis na dito ang kamay.
"Gawa din tayo." Siniko ko si Lincoln dahil sa sinabi niya at marahan napatawa ang mga kasama namin.
"Gusto na din ni Lincoln nang bagong anak kaya pagbigyan mo na, anak." Komento ni papa kaya nag-init ang pisngi ko.
"No! Ako lang ang baby ni mama at papa." Mas lalo silang tumawa dahil sa protesta ng anak ko kaya umiling ako.
"Mukhang talo ka ngayon bayaw." Sumingit si Glery kaya tumingin ako kay Lincoln na nakasimangot ito.
"Sige, pikunin mo lang ako baka hindi ako makatiis at ilayo ko si ate sa 'yo." Pikon nga ang boses nito.
"Nakakaloko ka talaga Lincoln. Mapapaanak ako sa walang oras." Umatras si Roselle na inalalayan naman ni Glery.
"Ang sama talaga ng ugali mo." Tinignan ni mama ang asawa ko.
"Syempre biro lang. Ayokong maging malungkot 'yong morenang ate ko dahil wala siyang asawa na nagngangalang Glery."
BINABASA MO ANG
Vampire's Mate
VampirosKaya ko bang magmahal nang isang bampira kahit kinamumuhian ko ang angkan nila?! Kaya ko bang talikuran ang lahat na nasimulan dahil sa pagmamahal?! Started: June 15, 2020 Ended: November 04, 2020 ©2020 Enjoy Reading 💓 Your_QueenAnonymous