Chapter 06:
Napapangiti na lang ako habang naglalakad kami ng anak ko sa loob ng grocery store dahil nakahawak ito sa kaliwang kamay ko at tulak-tulak ko naman ang push cart.
"Wow!" Manghang turan nito na tumakbo agad papalapit sa mga chocolate.
Napailing ako dahil sa inakto ni Hunter kaya lumapit ako sa pwesto niya.
"Gusto ko ng maraming chocolate mama." Lumingon ito sa 'kin na malawak ang ngiti kaya hindi ko maisiwan na guluhin ang buhok nito.
"Sure baby. Basta huwag lang madami dahil masisira 'yong ngipin mo." Dahil sa sagot ko ay mas lumawak pa ang ngiti nito na kumuha ng mga chocolate at inilagay sa cart.
Tinignan ko ito at halatang masaya ang anak ko sa pagkuha ng iba't ibang flavor ng chocolate.
Hindi maiwasan kumirot ang puso ko dahil alam kong naghahanap ito ng ama kahit hindi man siya magtanong o magsalita sa 'kin.
Pagbanggit lang niya sa salitang papa tuwing gabi bago nakatulog ng mahimbing ay sapat na sa 'kin para maramdaman ko na nangungulila ito.
Pilit akong ngumiti sa kanya ng nakangiting tumingin siya sa mga mata ko.
"Tapos na po mama," masayang turan nito na inilagay ang panghuling tsokolate sa cart. "Thank you mama and I love you." Bigla itong lumakad papalapit sa 'kin na walang imik na niyakap ako.
Napahaplos ako sa buhok nito na marahan kong hinawakan ang magkabilang pisngi ng anak ko at lumuhod sa harapan niya para magpantay kami.
"You're always welcome baby and always remember that mama is always love you until my last breath." Walang pakialam na hinalikan ko ang noo nito at lumayo agad.
Naging malawak ang ngiti nito at parang hinahaplos ang puso ko dahil sa saya na nararamdaman.
Nang matapos kaming mamili na kailangan namin ay pumunta na kami sa counter para bayaran ang mga binili na hindi naman gaano karami at agad ko naman ibinigay ang bayad sa casher kaya naging mabilis ang paglabas namin sa grocery store.
Dahil masyadong malawak ang SM ay hawak kamay parin kami ng anak ko papunta sa exit door ng mall na medyo malayo pa samin.
"Babalik po ba ulit tayo dito?" Napatingin ako rito.
"Oo naman pero next week pa dahil may trabaho bukas si mama." Ngiting sagot ko kay Hunter.
"Another chocolate na naman." Nakita kong nagningning ang mga mata nito kaya hindi ko maiwasan pisilin ang pinsgi ng anak niya.
"Of course baby." Sang-ayon ko at tumingin ulit sa unahan dahil malapit na kami sa exit door.
Pakiramdam ko ay bumagal ang paglalakad ko dahil sa nakita. Dalawang tao ang kapapasok pa lang sa entrance door at may kasama pa ang mga ito na alalay sa likod nila.
Bigla na naman kumirot ang puso ko na hindi sa malamang dahilan.
"Tita Roselle!" Naramdaman kong bumitaw ang anak ko sa 'kin at nagtatakbo papalapit sa bagong dating ng mall.
"Oh my gosh! Baby Hunter." Tinanggal ni Roselle ang kamay niya sa braso ni Mr. Cameron.
"Hello po Tita Roselle." Bati ni Hunter kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanila.
"Hindi ko alam na nandito pala kayo sa SM." Hinalikan nito ang noo ng anak ko at bumaling sa 'kin na nakangiti.
"Hello bruha." Hindi ko alam kung bakit pilit lang ako ngumiti.
"Hi Rose." Tipid na bati ko kaya bumaling ito sa anak ko na kinausap.
"Palagi ba kayong pumupunta ng mall tuwing weekend?" Napalingon ako sa nagsalita at marahan na yumuko sa harapan nito.
BINABASA MO ANG
Vampire's Mate
VampireKaya ko bang magmahal nang isang bampira kahit kinamumuhian ko ang angkan nila?! Kaya ko bang talikuran ang lahat na nasimulan dahil sa pagmamahal?! Started: June 15, 2020 Ended: November 04, 2020 ©2020 Enjoy Reading 💓 Your_QueenAnonymous