CHAPTER 23

292 25 0
                                    

Chapter 23:

Halos abala ang lahat ng katulong sa mansion para asikasuhin ang kaarawan ng anak ko ngayon.

Napakabilis ng panahon dahil limang taon na ito, na animo'y parang hindi ko naranasan ang paghihirap ko no'n na binubuhay itong mag-isa, ngunit ngayon ay kasama na ni Hunter ang ama niya sa araw na ito.

Ito ang pinakamahalang araw para sa anak ko kaya dapat maging masaya ito.

"Mama, ito 'yong unang birthday ko na buo ang pamilya natin." Masayang saad ng anak ko kaya niyakap ko ito at kinandong sa hita ko.

"Enjoy your birthday, baby." Nakangiting sambit ko na hinalikan ang noo nito.

"Opo, mama." Magiliw nitong sabi.

Nasa kwarto kami ngayon na naka-upo sa kama at nakasuot ng kulay pulang tuxedo ang anak ko na animo'y isang matanda pero ang cute nitong tignan.

Si mama ang pumili ng isusuot ng anak ko kaya wala kaming nagawa dahil gusto din naman ni Hunter iyon.

Habang nakasandal ang ulo nito sa dibdib ko ay sinuklay ko ang malambot nitong buhok gamit ang mga darili ko. At napasimangot ako dahil sa mabangong nalalanghap ko.

Minasdan ko si Lincoln na kalalabas pa lang sa banyo na nakasuot lang ito ng boxer short at may konting tubig pa ang katawan nito na katatapos lang naligo. Nauna kami ni Hunter naligo kaya nahuli ang asawa ko.

"Ang gwapo naman ng birthday boy ng Cameron's Family." Nakangiting lumapit ito sa amin na hinalikan ang noo ng anak ko at mabilis din ako nitong hinalikan sa labi.

"Ang gwapo din papa ko at maganda din ang mama ko." Umalis sa kandungan ko si Hunter na lumuhod sa kama na inabot ang kanyang papa para halikan sa pisngi.

"Ang sweet naman." Nginitian ko sila.

"May pinagmanahan e," natatawang komento ni Lincoln. "Magbibihis lang si papa." Ani niya sa anak namin na tumango.

Pumunta ito sa walk-in-closet para magbihis kaya inayos ko din ang sarili ko para makababa na kami.

Nakasuot din si Lincoln ng pulang tuxedo samantala isang red dress din ang suot ko.

Sabay-sabay kaming lumabas ng kwarto at inalalayan namin si Hunter.  Pareho kami ni Lincoln nakahawak sa kamay ng anak namin.

"Happy 5th Birthday, Baby Hunter Blaze Cameron." Sabay-sabay na bati ng mga bampira na nasa harapan namin ng nakababa na kami.

May dalawang conffite na pinasabog na hawak ni Knight at Ash.

"Thank you po sa inyong lahat. Love lots every one." Binitiwan namin si Hunter ng tumakbo ito papalapit sa lolo at lola niya para humalik sa pisngi.

At pumunta naman ito sa Tita Roselle niya na katabi si Glery.

Pinalibot ko ang tingin sa buong living room na masyadong malawak at halos pulang kulay ang makikita ko kaya hindi ko maiwasan mangilabot.

Bampira nga talaga ang mga kasama ko.

"Thank you." Napaigtad ako sa bulong ni Lincoln.

"Para saan naman?" Baling ko dito.

"Sa araw na ito. This is the first time that our son will celebrate his 5th birthday na we're completed as a family." Nakangiti ito nang malawak sa akin.

"Mas thank you sa 'yo kasi hindi mo kami pinababayaan no'ng hindi pa tayo nagkikita. Palagi kayo nagkikita ng anak ko tuwing hatinggabi, at hindi niyo ako sinasama sa bonding niyo." Sinamangutan ko ito.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon