Chapter 12:
Nang natapos ako sa paghuhugas ng plato na pinagkainan namin ay nagpunas ako ng basahan para sa kamay.
Inayos ko muna ang kusina bago ito iwan na nilapitan ang switch ng ilaw para patayin ito at dumiretso ako sa sofa na naririnig ko ang usapan ng dalawa.
"Ba't ang hirap sa mundo natin?" Dinig kong tanong ni Hunter.
"Dahil iyon ang kapalaran ng mundo na kinatatayuan natin." Mahinang sagot ni Lincoln kaya tumikhim ako para maagaw ang atensyon nila.
Pareho silang naka-upo sa mahabang sofa at halos nakasiksik na ang katawan ng anak ko sa amo ko.
"Tapos ka na pala sa kusina." Agad na saad ni Lincoln na nakangiti kaya napatango ako na umupo sa kabilang sofa.
"Katatapos ko lang," nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko matagalan ang titig niya. "Inaantok ka na?" Baling ko sa anak ko na biglang humikab.
"Medyo po." Sagot nito kaya napangiti ako.
"Halika rito para patulugin na kita." Utos ko rito kaya humiwalay ito kay Lincoln.
"Patulugin niyo na po ako, Mama." Umupo ito sa kandungan ko na niyakap ako.
"Do'n tayo sa kwarto natin." Kinarga ko ito.
"Ayoko sa kwarto natin matulog, gusto ko kay Tito Paps tumabi matulog." Nabigla ako sa sinabi nito kaya napatingin ako kay Lincoln na nakatingin pala sa amin.
"Ayaw mo kay Mama?" Baling ko sa anak ko.
"Gusto. Kaya kay Tito Paps tayo tatabi." Humagikhik ito na lumayo na hinila ako at hindi ako nakapag-protesta ng agad kaming pumasok sa kwarto ni Lincoln.
Hindi gaano malaki beachhouse at walang ikalawang palapag rito kaya napasunod na lang ang mga paa ko kay Hunter na lumapit sa malambot na kama na humiga rito.
"Tabihan niyo ako Mama." Nakangiting sambit niya kaya napailing ako na tumingin sa pintuan at nakita ko si Lincoln na nakasandal sa hamba ng pinto.
"Pwede kang matulog rito sa kwarto ko at sa sala na lang ako para bantayan kayo." Nahiya naman ako dahil sa kanya ang kwarto pero sa sala daw siya matutulog.
"Pero gusto kong katabi kayong dalawa." Pasigaw na komento ng anak ko.
"Hunter!" pabulong na saway. "Hindi 'yan ang tinuturo ko sa 'yo." Pinandilatan ko ito ng mata kaya nag-iwas ito ng tingin.
"S-Sorry po." Mahinang sabi niya kaya napailing ulit ako dahil nagiging spoiled na talaga ang anak ko.
"Matulog ka na." Utos ko rito kaya umayos ito ng higa.
"Pero pwede po ba tabihan ako ni Tito Paps ngayon hanggang sa makatulog ako?" Naging malambing ang boses nito kaya lihim ako napakagat labi.
"Anak nama---"
"Oo naman. Pwede kitang tabihin hanggang sa makatulog ka." Hindi ko napansin na nakalapit na pala si Lincoln na umupo sa kama kaya napapagitnaan namin ang anak ko.
"Yehey. Matutulog na ako. Goodnight Mama, I love you." Mula sa pagkakahiga ng anak ko ay bumangon ito para halikan ako sa pisngi kaya napangiti ako.
Humiga ulit ito at pumikit na ng mata kaya inangat ko ang kamay ko para haplusin ang buhok nito ngunit agad akong napatingin kay Lincoln na nasa ibabaw ko ang palad niya.
"Sorry," agad niyang inaalis ang palad sa kamay ko. "Pero pwede ba ako ang humaplos ng buhok niya hanggang sa makatulog siya?" Mahinang tanong nito kaya napatulala ako.
BINABASA MO ANG
Vampire's Mate
Ma cà rồngKaya ko bang magmahal nang isang bampira kahit kinamumuhian ko ang angkan nila?! Kaya ko bang talikuran ang lahat na nasimulan dahil sa pagmamahal?! Started: June 15, 2020 Ended: November 04, 2020 ©2020 Enjoy Reading 💓 Your_QueenAnonymous