Chapter 26:
Ligtas kaming nakalayo sa mga rogue vampire kaya nakahinga ako ng maluwag.
Pagkarating pa lang namin sa mansion ay naabutan kong umiiyak ang anak ko kaya agad ko itong inasikaso dahil sobrang naawa ako dito.
Ngayon ay nasa sofa kaming lahat na maliban lang kay Roselle at sa dalawang pinsan ni Lincoln dahil naiwan daw ito sa palasyon ni Aaron para makipaglaban.
Hinanap ko din si Ate Florence na ang sagot ni mama sa 'kin ay nagpapahinga ito sa itaas na kasama si Ash kaya mas nakahinga ako ng maluwag. Dahil na kwento din niya sa 'kin kanina kung ano ang lagay ni ate.
"Mabuti naman ay hindi ka sinaktan ni Aaron." Inabot ni mama ang mga palad na sinuri niya ang katawan gamit ang kanyang tingin.
"Ayos lang naman ako. Hindi nila ako sinaktan, pero kinulong at tinali nila ako sa isang kwarto." Totoong saad ko dahil nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.
"Ngunit sinabi mo kanina na ihahandong ka sana para maging isang kauri nila." Tumango ako at nakita kong suminghap ito. "Determinado nga si Aaron dahil anak ka niya."
"Hindi ako makapapayag sa gusto ni Aaron. Wala silang karapatan na gawing rogue ang asawa ko at ilayo ito sa 'kin." Dahil sa sabat ni Lincoln na nasa tabi ko ay mahigpit kong niyakap ang anak ko na tahimik lang naka-upo sa kandungan ko.
"Hindi tayo papayag. Hindi ako papayag sa gustong mangyari ni Aaron. Dahil kung mangyari man ang gusto niya ay iyon ang magiging katapusan natin." Napakunot-noo ako kay papa dahil sa sinabi niya.
"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Mahinang tanong ko dito ngunit tumingin ito kay Lincoln.
"Mag-usap kayo mamaya sa mga bagay na hindi pa alam ni Mary, Lincoln." Utos niya sa asawa ko kaya nilingon ko si Lincoln na tumango ito sa ama niya.
"Magpahinga muna kayong tatlo sa kwarto. Alam kong darating na ang mga tauhan natin kaya kay Glery na lang ako kukuha ng impormasyon." Mahinahong saad ni mama kaya sumunod na lang kami.
Mas humigpit ang yakap sa 'kin ni Hunter habang paakyat kami ng hagdan, samantala ay nakaalalay lang si Lincoln sa 'kin.
Tahimik namin pinasok ang kwarto na hiniga ko si Hunter sa ibabaw ng kama. Tumabi ako dito habang si Lincoln ay humiga sa tabi ng anak namin.
"Huwag mo akong iwan, mama." Malungkot nitong turan kaya napahaplos ako sa buhok niya.
"I won't baby. Hindi na aalis si mama kasi ayaw niyang makitang nahihirapan si Baby Hunter." Hinalikan ko ang ulo nito kaya nakita ko sa mata niya ang konting ningning.
"I love you mama." Nakangiting saad nito.
"I love you too baby." Ngumiti ako dito na tumingala ako kay Lincoln na nakatingin lang sa 'min. "I love you hubby." I mouthed to him.
Inabot niya ang batok ko para magtagpo ang mga noo namin.
"Hindi ko kakayanin na mawawala ka ulit sa 'min. Hindi ako na ako makapapayag. I love you three wifey." Hinalikan niya ng mabilis ang noo ko na lumayo ito.
"Kasama na ulit natin si mama, papa." Malambing na komento ni Hunter sa ama niya.
"Yes, baby. Papa will protect this family." Sang-ayon ni Lincoln na niyakap ang baywang ko kaya nagsiksikan kami sa kama.
Panay ang lambing ko sa kanila dahil gusto kong bumawi sa mga araw na hindi nila ako kasama. Sobrang na-miss ko ang anak ko kaya hindi ko ito kayang mawala sa paningin ko ngayong gabi. Ayokong iwan ito kahit matulog siya. Gusto ko ay mukha ko ang una niyang makikita kapag gumising siya sa umaga na tabi-tabi kaming tatlo.

BINABASA MO ANG
Vampire's Mate
VampireKaya ko bang magmahal nang isang bampira kahit kinamumuhian ko ang angkan nila?! Kaya ko bang talikuran ang lahat na nasimulan dahil sa pagmamahal?! Started: June 15, 2020 Ended: November 04, 2020 ©2020 Enjoy Reading 💓 Your_QueenAnonymous