CHAPTER 10

385 28 0
                                    

Chapter 10:

Napatigil ako sa paghaplos sa buhok ng anak ko ng tumunog ang cellphone na nakalagay sa night stand kaya inabot ko ito at nakita ko na may mensaheng dumating.

One target from Baltar Street.

From: Dark Diamond

Napabuntong-hininga ako na bumaling sa anak ko na mahimbing na natutulog habang yakap ang baywang ko ng mahigpit kaya binalik ko ang cellphone sa night stand at walang salitang hinalikan ang anak ko sa noo.

Ilang segundo ang tinagal ng pagtitig ko rito bago inalis ang maliit na braso sa baywang ko at dahan-dahan umalis sa kama para hindi ito magising.

Nilapitan ko ang double door sa veranda at sinara ito ng mabuti na gamit ang triple lock. Dapat kong masiguro na walang makakapasok sa kwarto namin kahit naglalaho man sila.

Lumapit ako sa night stand para buksan ang ilaw at kinuha ang mga susi na nasa ilalim ng isang maliit na mantel na kinalalagyan ng lampshade kaya napatingin ulit ako sa anak ko.

"Sandali lang ako. I love you my sunshine and hope." Bulong ko sa tainga niya ng lumapit ako.

Lumabas na ako ng kwarto at ni-lock din ang pintuan bago bumababa sa unang palapag na inayos din ang mga bintana na maaaring pasukan. Nang masiguro kong ayos na ang lahat ay pumunta na ako sa likod ng bahay namin.

Nilakad ko ang ilang hakbang papunta sa bodega na halos ilang buwan ng nakasara kaya huminga ako ng malalim bago hawakan ang kadena na nagsisilbing lock nito.

Gamit ang susi na dala ko ay binuksan ko na ito kaya agad na bumungad sa 'kin ang isang madilim na bodega kaya kinapa ko switch na nasa gilid ng pader na malapit sa 'kin.

Nang nakapa ko ang switch ay pinindot ko ito kaya biglang umilaw ang limang bombilya. Napangiti ako ng makita ang iba't ibang kagamitan na maaaring gamitin sa pagpatay ng isang buhay.

Unang kong nilapitan ang isang kabinet na binuksan ito at kinuha ang isang itim na jacket na agad ko naman sinuot.

Lumapit ako sa mesa na nakalagay sa gitna kaya kumuha ako ng isang switchblade at lumapit din ako sa pader na kung saan nakalagay ang mga baril na inabot ko ang shotgun na ikinabit sa likod ng jacket ko.

Pagkatapos kong kunin ang mga kailangan ay lumapit ako sa isang motorsiklo na nababalutan ng isang malapad na tela kaya inalis ko ito. Sumakay ako sa motorsiklo na sinuot ang helmet na nakalagay lang sa ibabaw nito.

Gamit ang remote control ay nahati sa dalawa ang isang pader na nagsisilbing pintuan kaya bumungad sa 'kin ang isang madilim na daan at binuhay ko ang makina ng sasakyan na umalis na agad sa bodega para magawa ko na ang trabaho ko.

Tinahak ko ang kalsada na walang katao-tao dahil sa alas-onse na ang oras ng gabi. Lumiko ako sa isang makipot na eskinita na kung saan ito ang Baltar Street at pininasok ang motorsiklo ko sa lubak-lubak na daan.

Huminto ako sa tapat ng isang mas maliit na eskinita kaya may biglang tumahol na aso sa 'kin at mabuti na lang ang nakatali ito sa isang poste na patay-sindi ang ilaw.

Hinubad ko na ang helmet na bumaba sa motor na walang pag-aalinlangan pinasok ko ang eskinita na kinuha ang shotgun sa likod ko at hinanda ang sarili.

Itinaas ko ang hoodie ng jacket na inilagay ko sa ulo kaya medyo nabawasan ang lamig ng batok ko.

Lakad takbo ang ginawa ko ng makarinig ako ng isang tili na malayo sa kinalalagyan ko kaya sinundan ko ito kung saan nanggagaling. Hanggang sa nasa mga kakahuyan na ako na nilibot ko tingin sa kabuuan na ipinikit ang mata at huminga ng malalim para pakingan ang ihip ng hangin.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon