Chapter 19:
Malakas na tawa ang bumabalot sa living room dahil nakikipaglaro si Hunter kay Mr. Abraham.
"Lolo, habulin niyo ako." Humagikhik ang anak ko habang tumakbo kahit saang banda ng sala.
"Tumakbo ka ng mabilis, little one." Tumawa naman si Mr. Abraham habang hinahabol ang anak ko na sobrang bilis ang takbo nito.
Hindi maikakaila na kalahating bampira ang anak ko.
"Magtigil nga kayong dalawa. Baka madapa si Hunter." Seryusong turan ni Mama Rain na nagbuburda.
"Hindi po, Lola Rain. Gusto niyo sumali sa 'min ni Lolo Abra?" Tumatawa na tanong ni Lincoln na tumakbo palabas ng mansion dahil hindi tumigil si Mr. Abraham.
"Nagmukhang bata si Abraham dahil sa apo niya." Naiiling na turan ni mama kaya napailing din ako sa kinauupuan habang nanonood ng TV dahil kahit sa mundo nila ay mga bagay sila na tulad sa mga tao.
Kaya normal ang lahat ng bagay sa kanila na kung ano man ang mayroon ang tao.
"Kumain na kayo ng agahan, Mary?" Bumaling ako kay mama ng magtanong siya.
"Hindi pa." Maikling sagot ko.
"Naku! Kumain muna kayo ni Hunter dahil hindi pare-pareho ang mga lakas natin. Tao ka, kaya kailangan mo kumain para maging malakas ang katawan mo at teka, kailangan din ni Hunter kumain dahil may dugo pa rin ito ng tao." Hindi ko maiwasan mapangiti dahil ramdam ko ang pag-aalala niya.
"Mamaya na po kam---" tumingin ito ng diretso sa 'kin na nakasimangot.
"Huwag matigas ang ulo, anak. Tatawagin ko lang ang dalawang lalaki sa labas." Turan niya na tumayo at binitiwan ang kanyang binuburda.
"Pwede naman po 'yong mga katulong na lang ang utusan niyo." Komento ko ngunit nagkibit-balikat ito na na nakangiti.
"Ngayon ko nga lang nakasama ang apo namin kaya ako na lang ang tatawag sa kanila." Hindi ko maiwasan mapatawa dahil kinindatan ako ni Mama Rain na umalis na sa living room.
Kita sa mga mata nila ang kasihayan ng nagising si Hunter no'ng isang gabi at mahigpit nila itong niyakap ng nasa harapan na nila ang anak namin.
Hindi sila makapaniwala na nagising ang nag-iisang apo nila na matagal na daw hinintay ni Mr. Abraham at hindi ko maikakaila na agad napalapit ang loob ng anak ko sa kanila na kahit unang pagkikita palang at parang matagal na silang magkakilala.
At masaya ako ngayon sa buhay ko dahil may isang pamilya akong sinasandal kahit mga bampira sila, ay hindi nila pinaramdam sa 'kin na iba ako, lalo na ang asawa ko.
"Hey, little sis," nginitian ko lang si Roselle na papalapit at umupo sa katapat kong sofa. "'Asan si Lincoln?" Tanong niya na kasabay ng pagbuklat sa isang magazine na nasa ibabaw ng mini table.
"Iwan," nagkibit-balikat ako. "Nagpaalam siya kanina sa 'kin na lalabas siya na kasama sila Ash." Sagot ko na ininom ang lemon juice na hinanda ng isang katulong.
"Alam mo ba na matagal hinintay ni papa at ni mama si Hunter? Kaya nababasa sa mga kilos nila ang kasiyahan na kasama nila ngayon ang apo nila." Ngumiti ito ng matamis.
"Nakikita nga. Mukhang ang tagal na nga nilang magkakilala dahil agad na naging malapit si Hunter sa kanila." Saad ko.
"Dahil simula no'n ay nagkikita na talaga sila tatlong kapag wala ka sa tabi ni Hunter." Agad napakunot-noo ako dahil sa sinabi niya.
"Noon? Paano naman? E, sa pagkakaalam ko ay ngayon lang sila nagkita" Usisa ko dito.
"Ay, basta. Matagal na nilang kilala ang isa't isa kaya do'n ka nalang sa kapatid kong magtanong." Naiiling na sambit niya na bumaling ang atensyon sa TV.
BINABASA MO ANG
Vampire's Mate
WampiryKaya ko bang magmahal nang isang bampira kahit kinamumuhian ko ang angkan nila?! Kaya ko bang talikuran ang lahat na nasimulan dahil sa pagmamahal?! Started: June 15, 2020 Ended: November 04, 2020 ©2020 Enjoy Reading 💓 Your_QueenAnonymous