CHAPTER 21

297 32 0
                                    

Chapter 21:

Halos apat na araw na ang nakalipas simula ng nagtipon kami sa pribadong bulwagan at hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang gagawin.

Panay ang tanong nila sa 'kin kung nakapagdesisyon na ako, kung gusto ko ba na maging lubos na isang bampira. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi nila na may dugo ako ng bampira kaya tinanong ko si Lincoln tungkol sa bagay na iyon ngunit si Ate Florence lang daw ang makakasagot sa lahat ng mga katanungan ko.

Napabuntong-hininga ako dahil ang daming pumapasok sa isip ko. Madaming bagay na hindi ko alam tungkol sa pagkatao ko dahil wala namang kwenento ang mga magulang ko sa mga bagay-bagay noon ng nabubuhay pa sila.

"Huwag kang masyadong mag-isip sa mga bagay." Bulong ni Lincoln sa tainga ko ng nakalapit ito sa pwesto ko dito sa terrace habang minamasdan ang buwan na hindi buo.

"Hindi ko talaga maiwasan e." Mahinang usal ko kaya naramdaman kong yumakap ito mula sa likod ko.

"Ano ba ang sinasabi ng puso mo? Kung ano man ang dinidikta nito ay sundin mo dahil papayag naman ako." Hinalikan nito ang balikat ko dahil nakasuot na lang ako ng nighties.

"Pwede bang basahin mo ang isip ko ngayon?" Bumaling ako dito kaya nagpantay ang tingin namin.

"Hindi ko na kayang basahin ang isip mo." Ngumuso ito kaya napakunot-noo ako.

"Bakit naman? No'ng una ay palagi mong binabasa ang isip ko."

"Naisipan ko lang muna na huwag basahin ang isip mo dahil alam kong naguguluhan ka sa mga bagay na nalaman mo. Kaya limitado lang ang nababasa ko sa 'yo ngayon." Napatango na lang ako sa sinabi niya.

"Nababasa ba ng mga kasama natin ang isip ko maliban sa 'yo?" Tanong ko pa ngunit umiling ito.

"Ako lang dahil ako ang asawa mo. Hindi lahat na bampira ay kayang basahin ang isip ng isang nilalang, lalo na kung hindi ito ang nakatadhanan sa kanila. Gets mo ang ibig kong sabihin?" Tumango ulit ako.

Nag-iwas na ako ng tingin dito dahil tumitig ako sa buwan at hinalikan niya ulit ang balikat ko.

"Masakit pa ba ang sugat mo?" Tanong nito na hinimas ang benda na nakalagay sa braso ko.

"Hindi na masyado." Sagot ko dito.

Tumalab naman ang binigay na gamot sa akin ni Mrs. Enny kaya medyo bumabalik na ang lakas ko at konting pahinga na lang ang kailangan.

Hindi na nagsalita si Lincoln ngunit humigpit ang yakap nito sa 'kin kaya napailing ako dahil hinahalik-halikan niya ang iba't ibang parte sa likod ko hanggang sa tumaas ang halik niya patungo sa tainga ko at bumulong.

"Ang daming nangyari nitong mga nakalipas na araw," malalim ang boses nito na kinagat ang itaas ng tainga ko. "Siguro naman ay pwede na tayong mag-honeymoon ngayong gabi." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinihit niya ako paharap na sa isang iglap ay ramdam ko ang malambot na kama sa likod ko.

"Vampire's move." Natatawang komento ko dahil hindi ko inaakala na sobrang bilis nitong kumilos.

"Hindi mo ako masisisi." Ngumisi ito ng nakakaloko na pumitik sa hangin kaya biglang namatay ang ilaw ng kwarto at sumara naman ang sliding door sa terrace.

Nang nagawa niya iyon ay bigla itong tumingin sa akin ng buong pagmamahal na nilapit ang mukha niya at bulong.

"I love you." Malambing na saad niya na agad inangkin ang mga labi ko kaya napapikit ako ng mata.

He bit my lower lip causing me to gasped. I can't help it but to moan when he slid his tongue inside my mouth kaya wala akong nagawa kundi ilagay ang kamay ko sa batok niya para palalimin ang halik namin.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon