CHAPTER 09

351 26 2
                                    

Chapter 09:

Nagising ako sa pagtulog ng wala akong makapa sa tabi ko kaya agad ako napaupo sa kama.

"Hunter." Tawag ko dito dahil nagmulat na naman ako ng mata na hindi ko katabi ang anak ko.

Tumayo ako sa kama at binuksan ang banyo na konektado lang sa kwarto namin ngunit wala ang anak ko sa loob at napatingin namin ako sa veranda namin ngunit naka-lock naman ang sliding door kaya lumabas ako ng kwarto para tignan ito sa unang palapag at dumiretso ako ng salas ngunit wala ito, pati na rin sa kusina

Bigla akong kinabahan dahil hatinggabi ngayon kaya mabilis akong lumabas ng bahay at nilibot ang kabuuan nito pero wala ang anak ko.

Pumikit ako ng mata para kalmahin ang sarili at makiramdam sa paligid. Naramdaman kong biglang bumilis at lumamig ang hangin na yumayakap sa katawan ko.

At biglang ako nakarinig na marahan na tawa na alam kong malayo sa pwesto ko. Kaya tumingala ako taas ng pangalawang palapag na nakita kong bukas ang sliding door ng study room dahil nililipad ito ng hangin at alam kong ni-lock ko ito bago kami natulog ng anak ko.

Kaya walang pag-aalinlangan ay agad akong pumasok sa loob na tinahak ang hagdan dahil naririnig ko ang mahinang tawa ni Hunter.

Nang nasa harapan na ako ng pintuan ng study room ay pinihit ko agad ang seradura.

"Pero gusto ko pong makasama kayo." Dinig ko na nanggagaling ang tinig sa veranda.

"I promise na mangyayari din iyan."

"Hunter." Agad na tawag ko sa anak ko ng nasa harapan na ako ng sliding door kaya hinawi ko ang kurtina.

"M-Mama." Nauutal nitong baling sa akin na tumayo sa kinauupuan niyang sahig at lumapit sa pwesto ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Lumuhod pa ako para magpantay ang taas namin.

"Naglalaro po." Yumuko ito dahil sa pagalit na tanong ko.

"Hindi ba ang sabi ko sayo huwag kang maglalaro ng hatinggabi dahil pinag-aalala mo ako sa tuwing nagmumulat ako ng mata na wala ka sa tabi ko." Hindi ko maiwasan na taasan ito ng boses dahil sa inis.

"S-Sorry po." Biglang lumambot ang puso ko dahil agad itong humikbi.

"Baby." Mahinang tawag ko rito kaya nag-angat ito ng tingin kaya agad kong pinahid ang luha ng anak ko sa pisngi.

"H-Huwag na po k-kayong magalit sa akin, Mama." Pakiusap ng anak ko sa 'kin kaya napatango ako.

"Basta huwag mo nang uulitin ang bagay na gigising ka ng hatinggabi." Naging malambing anh boses ko rito.

"Opo." Agad na yumakap ang anak ko sa 'kin kaya hinaplos ko ang malambot na buhok nito.

"Sino ang kausapin mo kanina?" Humiwalay na ako rito upang tumingin sa mga mata niya.

"W-Wala po, kinakausap ko lang 'yong mga laruan ko." Sagot nito sa 'kin kaya lihim akong napailing dahil hindi pwedeng nagkamali ako kanina ng dinig.

"Bumalik na tayo sa kwarto." Inalalayan ko ang anak ko palabas ng study room na bumalik na kami sa kwarto para matulog ulit.

Sabay kaming nahiga sa kama kaya kinumotan ko ito at niyakap.

"Goodnight again, my Hunter Simsom." Hinalikan ko ang noo nito.

"Goodnight din po." Tumingala ito sa 'kin na nakangiti bago pumikit ng mata na mas sumiksik pa sa akin.

Kaya napangiti na lang ako na hinaplos ang buhok nito hanggang sa nakatulog na kami.

Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon