Chapter 30:
Aaron's P. O. V.
Ingay ang naririnig ko sa mga bampira nasa harapan ko ngayon kaya tumikhim ako sa kanila dahilan para tumigil sila sa pagsasalita.
"Magandang hapon sa inyo." Ngumisi ako ng nakakaloko. "Mabuti naman ay tinanggap niyo ang pag-anyaya ko na magtipon tayo sa pampublikong bulwagan. Alam natin na mamaya na ang Red Moon na hinihintay ng lahat. Wawakasan natin ang mundo ng mga bampira na sagabal sa 'tin kahit lumitaw pa ang sinasabi ng propesiya tungkol sa makapangyarihan na siyang mamumuno. Hindi tayo tatahamik habang buhay. Babawiin natin ang lahat sa kanila. Sasakupin natin ang mga lupain nila. Ako, tayo ang mananalo mamaya sa magiging digmaan kaya ihanda niyo ang sarili niyo." Ma-autoridad na saad ko sa kanilang harapan kaya nagsigawan ang mga ito sa tuwa.
"Ngayon ang umpisa ng pagsulong natin sa mga mahihirapan na bampira hanggang sa mga noble vampire. Sa atin ang araw na ito." Dagdag ko kaya biglang lumiwanag ang paligid namin dulot ng mga apoy na nasa mga pader ang mga naglalakihang lampara. "Humayo na kayo at gawin niyo ang gusto niyo." Utos ko kaya mas umingay ang paligid at biglang kumilos sila paalis sa harapan ko hanggang sa walang natira.
"Papa," lumingon ako sa anak ko ng lumapit ito sa 'kin.
"Malapit na mapasaatin ang mundo." Lumapit ako dito para halikan ang noo niya.
"Malapit na din mapasa'kin si Lincoln." Ngumiti ito. "Tulad ng pangako niyo sa 'kin." Napahaplos na lang ako sa buhok ni Cheska.
"Tutuparin ni papa ang pangako niya. Lahat gagawin ko para sa 'yo kaya huwag kang mag-alala." Ngising saad ko.
"Thank you." Yumakap ito sa 'kin kaya tumawa ako.
"Basta huwag mo lang gagalawin ang kapatid mo. Ako ang bahala sa kanya." Lumayo agad ito na tinignan ako na hindi maipinta ang mukha.
"Bakit nam---."
"Mangako ka sa 'kin na hindi mo siya gagalawin." Putol ko agad dahil alam ko ang takbo ng isip ni Cheska laban kay Mary.
May plano ako para sa bunsong anak ko. Kaya hindi siya maaaring masaktan mamayang gabi. Babawain ko ito sa pamilyang Cameron. Ako ang ama kaya dapat nasa poder ko siya para gawing tagapagmana ko.
"Lord Aaron, nakarating na 'ho ang iba sa mga karatig bayan." Lumapit ang isang kawal sa 'min na tinanguan ko ito.
Binalingan ko si Cheska. "Nasa atin na ang oras."
"Let's make this night memorable." Ngumisi ito ng nakakaloko.
--
Mary's P. O. V.
Yakap ko ng mahigpit ang katawan ng anak ko na dinig ko ang sigawan sa labas ng mansion na sinasabayan pa ito ng mainit na hangin na may pahiwatig iyon.
"Mama, nasaan si papa?" Takot ang boses nito kaya niyakap ko lang ito ng mahigpit.
"Dadating din iyon." Sagot ko na lang dahil kanina pa lumabas si Lincoln ng kwarto na hindi pa ito dumadating.
"Natatakot na po ako." Hinalikan ko ang ibabaw ng ulo nito.
"Nandito lang si mama. Hindi kita pababayaan." Pilit kong nilabanan ang takot na pilit lumabas.
Hindi ako natatakot para sarili kundi natatakot ako para sa anak ko. Natatakot ako dahil masasaksihan niya ang karudumal-dumal na gabi.
Mas lalong lumalakas ang sigawan sa labas kaya pumikit ako ng mata para magdasal na sana ligtas lang ang asawa ko.
Ilang buntong-hiningang ang ginawa ko bago ko narinig ang pagbukas ng pinto kaya agad akong napatingin dito.
"Ate!" Tumayo sa pagkakaupo sa kama.
BINABASA MO ANG
Vampire's Mate
VampireKaya ko bang magmahal nang isang bampira kahit kinamumuhian ko ang angkan nila?! Kaya ko bang talikuran ang lahat na nasimulan dahil sa pagmamahal?! Started: June 15, 2020 Ended: November 04, 2020 ©2020 Enjoy Reading 💓 Your_QueenAnonymous