Chapter 05:
Lumipas na lang ang buong araw ay hindi bumalik si Mr. Cameron ng opisina niya kaya inayos ko na ang mga gamit ko dahil malapit na ang alas-singko na siyang uwian ng mga empleyado.
Pagkatapos naman no'n ay sinunod ko ang lamesa ni Mr. Cameron na medyo nagkakalat ang mga gamit kaya inayos ko ang pagkakalagay nito hanggang sa natapos ako.
Nag-inat ako ng mga braso dahil sa pagod na kinuha ang bag ko at tinahak ang pintuan ng opisina na ni-lock ito ng makalabas na ako.
Madami na ding mga empleyado ang nagsisilabasan sa mga departamento nila kaya medyo siksikan ang loob ng mga elevator na pababa sa ground floor.
At buti na lang ay may sariling elevator si Mr. Cameron na pwede kong gamitin kaya hindi ko kailangan makipagsiksikan sa mga empleyado na nasa elevator na ngayon.
Ilang minuto lang ang itinagal ay narating ko na ang ground floor at tinatahak na ngayon ang lobby.
"Mary." Napabuntong-hininga ako ng marinig ko ang pangalan ko mula sa likod kaya huminto ako.
"Bakit?!" Malamig na tanong ko kay Kenneth na tumakbo papalapit sa 'kin at nasa harapan ko na ito ngayon.
"Akala ko hindi na kita maaabutan. By the way, pwede ba tayong mag-dinner ngayon? Pwede tayong magpagabi dahil walang trabaho bukas ang mga empleyado sa kompanyang it---."
"Hindi ako interesado sa alok mo." Walang ganang turan ko na kasabay ng pagtalikod sa kanya.
Nang akmang hahakbang na ako papunta sa exit door ng kompanya ay hinawakan nito ang pulso ko kaya napahinto ako at inis itong tinignan ng masama.
"Hindi ako papayag na hindi mo tanggapin ang offer ko ngayon sa 'yo na makipag-date." Nakita ko na seryuso ang mga mata niya kaya napatawa ako ng mahina.
"Pwersahan na pala ngayon ang pakikipagdate sa isang tao." Turan ko na may pang-uuyam sa boses at binawi ang pulso ko na hawak niya.
"Kahit anong hirap mong paamuin ay mapapayag din kita sa gusto ko... hindi man sa ngayon pero alam ko malapit na ang araw na iyon." Napairap na lang ako sa hangin dahil mataas ang tiwala nito sa sarili.
"Huwag ka na lang mag-aksaya ng panahon sa 'kin dahil malabo ang araw na iyon." Tinignan ko siya ng seryuso.
"Hindi ako susuko dahil alam ko sa 'kin ang bagsak mo." Naikuyom ko ang mga palad ko dahil sa sinabi ni Kenneth.
"Fine! Maghihintay ako sa araw na iyon pero hindi ko sinasabing makakapasok ka sa buhay ko." Nginisihan ko siya ng nakakaloko kaya nakita kong ngumiti ito sa 'kin.
"I promise that I'll be par--"
"Kung maglalandian kayo ay huwag sa loob ng kompanya ko." Napakagat ako ng labi ng may biglang sumabat sa usapan namin ni Kenneth na mula sa likod ko kaya dahan-dahan akong lumingon at nakita kong si Mr. Cameron ang nagsalita na wari'y ko ay kapapasok pa lang niya sa loob ng building.
"Good day, Mr. Cameron." Sambit ni Kenneth na yumuko pa samantala ako ay hindi makapagsalita.
Nakita ko na tumango lang si Mr. Cameron kay Kenneth bago bumaling sa 'kin na walang emosyon.
"Naayos mo ba ang mga gamit ko sa opisina?" Tanong niya.
"Yes, Mr. Cameron." Magalang na sagot ko.
"Good. By the way, narinig ko mula sa entrance na niyayaya mong makipag-date ang sekretarya ko sa 'yo, Kenneth." Turan ni Mr. Cameron na bumaling kay Kenneth ulit.
"A-Ahh, opo Mr. Cameron. Lalo na ay day off naman bukas kaya nagbabakasakali akong pumayag si Mary sa gusto ko." Sagot ni Kenneth na katabi ko na ngayon.
BINABASA MO ANG
Vampire's Mate
VampireKaya ko bang magmahal nang isang bampira kahit kinamumuhian ko ang angkan nila?! Kaya ko bang talikuran ang lahat na nasimulan dahil sa pagmamahal?! Started: June 15, 2020 Ended: November 04, 2020 ©2020 Enjoy Reading 💓 Your_QueenAnonymous