Hindi ko na napigilang mapaluha kaya bago pa man iyon makita ng mga kaibigan ko ay agad na akong umayos ng upo at sumandal sa bintana. Tinakpan ko rin ng panyo ang mukha ko at makapigil-hiningang pinipigilan ang hikbi.
"For the first time in 10 years, ngayon ka lang natulog sa field trip," dinig kong sabi ni Audrey.
"Oo nga, 'di uso sa 'yo matulog ah," sabi naman ni Jéd na naririnig kong kumakain din.
"Siguro nagpa-mythic pa kagabi dahil bumaba rank niya," natatawang sambit naman ni Norine at nag-apir pa sila ni Palette dahil naramdaman kong gumalaw siya sa tabi ko.
Bigla naman akong nagulat nang mag-vibrate ang cellphone ko kaya dali-dali kong pinunasan ng panyo ang mata ko at saka binuksan ang cellphone.
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Notification Block
Neco Challenge • now
unknown666
Don't cry, Cleo. Don't worry, I'll guide you later, okay?
BINABASA MO ANG
Kill, Cleo, Kill
Mystery / ThrillerA 21-year-old social media influencer named Cleonadia Lee downloaded the app called "neco challenge." Now, she has to face the consequences for she accepted the challenge without any doubt. Then, she realized that, talking to strangers is the worst...