CXXII

282 19 0
                                    

Narito ako sa aking sariling kuwarto, nakatulala na naman habang nakadungaw sa labas ng bintana

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Narito ako sa aking sariling kuwarto, nakatulala na naman habang nakadungaw sa labas ng bintana. Ini-slide ko ang bintana upang sumagap ng preskong hangin. Nakasuot ako ngayon ng pantalon at simpleng t-shirt dahil may mangyayaring paghuhukom mamaya. Sinubukan kong magpapigil, pero wala akong nagawa. Humingi ako ng tulong kay Dr. Deborah pero hindi niya ako tinulungan. Tanging mga payo at paliwanag lamang ang natanggap ko sa kaniya. Sinasabi nilang psychopath ako kahit hindi! Hindi ako si Ivette!

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ngunit hindi ko ito nilingon. Nananatili akong nakadungaw sa labas, naglalaro ang mga baliw sa ground samantalang ang iba'y umiiyak at nagwawala. Napailing na lang ako. Hindi dapat ako naririto dahil hindi naman ako baliw.

Isa lang akong normal na tao, hindi perpekto at nakagawa ng maraming pagkakamali. Tama ako, mali si nurse Wayne, huli na ang lahat kasi hindi na nila kayang magpatawad.

"Tinawagan na namin ang Appa at Eomma mo, Cleo. Tara na," rinig kong sabi niya pagkapasok.

Malamig ko siyang tiningnan habang nakaupo pa rin sa kama at yakap-yakap ang aking mga tuhod. "Kapag ba pumunta ulit ako sa hukuman ay paniniwalaan na nila ako't patatawarin?" walang emosyon kong tanong dahilan para mawala ang ngiti sa mukha niya.

This is the last day of our session. Ngayong araw dadating ang mga saksi na hindi nakadalo kahapon.

Lumapit sa akin ang nurse na si Wayne at hinaplos ang buhok ko. "Pupunta kayo roon para maayos ang kaso mo. Huwag kang mawalan ng pag-asa."

Napangisi na lang ako't tumayo na. Nang makalabas kami sa mental hospital ay nakita ko ang sasakyan nina Eomma. Napangiti ako dahil mula nang makulong ako rito ay hindi pa nila ako nabibisita. Masaya akong sumakay sa sasakyan, agad kaming nagyakapan ni Eomma na nasa harap. Si Appa ay sinubukan kong yakapin ngunit hindi niya ako pinapansin.

Nang lumingon ako sa likod ko, nakita ko si Kuya roon, walang emosyon ang mukha ngunit napakalamig ng tingin sa akin. Tipid na lang akong napangiti at umayos na ng upo. Para silang diring-diri sa akin ni Appa dahil wala akong katabi ngayon. Sumandig ako sa bintana at patagong pinunasan ang mga luha ko.

Makalipas ang dalawang oras na byahe ay nakarating na rin kami sa korte. Agad kaming bumaba at pansin ko rin ang distansya sa akin ni Kuya dahilan para ako'y labis na masaktan. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko, halos mawalan ako ng hininga nang makapasok na kami sa loob ng korte.

Agad kong nakita sina Paul, Erwan, iyong lalaking nakakita sa museum at isang mag-asawa yata. Tingin ko'y sila ang magsisilbing mga testigo. Narito rin pala ang mga katulong nina Palette, batid kong dahil nakita nila sa CCTV. Siyempre, narito rin ang mga magulang nina Palette, Norine, Audrey, Jéd—pati na rin ang dalawang ginang at dalawang ginoo na nag-uusap sa may hallway, siguro'y mga magulang naman nina Jaycee at Dion. Mayroon din silang mga abogado at ako nama'y wala. Napailing na lang ako, ayos lang, hindi ko rin naman kailangan noon.

Pumasok na kaming tuluyan sa loob ng hukuman. Matatalim at malalamig ang mga titig nila sa akin na animo'y gusto na akong sugurin. Yumuko na lang ako't nauna nang pumasok.

"Tingnan natin kung magtagal ka pa," rinig kong sabi ni tito Jose, ang ama ni Jéd.

"Mas marami na kaming hawak na ebidensiya ngayon. Muling bumalik ang mga pulis sa kweba at natunton nila sa ibaba ng bangin ang  mga ginamit mo kay Jé—"

"Nakita na rin pala ang sasakyan ni Dion sa lumang bahay na 'di kalayuan sa bahay niyo, naroon ang cellphone ni Norine. Napakagaling mo palang magsinungaling," nakangising sabi naman ni Nico nang sumingit siya sa pagsasalita ni tita Pia. Nakalaya na siya ngayon dahil napatunayan nang siya ay inosente.

"Sa mahigit isang dekadang pagkakaibigan ninyo, hindi ko inakalang magiging isa kang demonyo."

















Kill, Cleo, KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon