THIRD PERSON
Isang linggo na ang nakalilipas. Nai-cremate na ang labi nina Jéd, Audrey, Norine at Palette. Samantalang ang labi naman nina Dion, Jaycee at iyong babaeng driver ng taxi ay nakaburol pa. Napagdesisyonan kasi ng mga magulang nilang ipa-cremate na lang sila, magkakatabi ngayon sa crypta—isang simbahan na may libingan sa loob, ang mga maaaring ilibing dito ay mga cremated na labi sapagkat ang lagayan nito ay isang parisukat lamang.
Magkakasama ngayon ang kanilang mga magulang, nakaupo sa harap ng mga nitso at nagdarasal. Walang ibang mga tao ngayon simbahan dahil sarado ito ngunit kahit anong oras o araw naman ay maaaring bumisita rito.
Tumayo naman si Aleli, ang ina ni Audrey. Hinaplos niya ang gintong pangalan ng anak pati ang litrato nito. "Gagawin namin ang lahat para makuha ang hustisyang nararapat para sa inyo," bulong nito sa kaniyang isipan sabay pahid ng mga luha.
Ganoon din ang ginawa ng iba. Makalipas ang tatlumpung minuto ay nagsialisan na rin sila, nag-iwan sila ng mga bukas na kandila at bulaklak. Lumabas naman sa pagtatago sina Chelsea at Norman. Lumuluhang hinaplos ni Chelsea isa-isa ang mga nitso.
"Handa kaming tanggapin ang lahat ng mga kaparusahang ipapataw sa anak namin, matahimik lang kayo. Humihingi kami ng panghabangbuhay na patawad. Hindi rin namin inaasahan ang nangyari at maski kami rin ay hindi ito matanggap. Hindi kami umaasang mapapatawad ninyo ang anak namin ngunit tutulong kami para sa hustisya ninyo. Mga kaibigan kayo ng anak ko at tinuring na rin namin kayong parte ng aming pamilya kaya lubos kaming nakikiramay," panimula ni Norman habang hinahaplos din ang mga ginto nilang pangalan.
Mas napahagulgol si Chelsea sa narinig, hindi niya kayang makitang maghirap ang bunsong anak ngunit hindi niya rin ito palalampasin kaya pabor din siya sa kung anumang parusa rito.
"We didn't realize that she's already a psychopath. She also have dissociative identity disorder, maybe she got this because of her traumatic experience before—when Ivette died years ago."
"Alam namin hindi ninyo na kami mapapatawad pero ang tanging hiling lang namin ay katahimikan at kapayapaan ninyo. Huwag kayong mag-alala, nakakulong na ngayon si Cleo at hindi na siyang makakasira pa ng buhay ng iba," saad ni Norman.
"Again, we're very sorry for what our daughter did," huling sabi ni Chelsea.
Nanatili sila rito ng mahigit sampung minuto. Gaya ng kanilang mga magulang, nag-iwan din ang mag-asawa ng mga bulaklak at kandila. Mayamaya lang ay umalis na rin sila upang puntahan ang anak nang biglang tumunog ang cellphone ni Norman.
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Rosewood Mental Health Care
mobile
Remind me Message
Decline Accept
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
BINABASA MO ANG
Kill, Cleo, Kill
Mystery / ThrillerA 21-year-old social media influencer named Cleonadia Lee downloaded the app called "neco challenge." Now, she has to face the consequences for she accepted the challenge without any doubt. Then, she realized that, talking to strangers is the worst...