Narito na kami ngayon ni mama sa sasakyan habang papunta kina Palette. Ewan ko ba pero kinakabahan ako habang nagtutungo sa kanila. Sana wala siyang kasama roon. Maya-maya lang ay huminto na kami sa tapat ng mansyon nila. Nasa labas na sila ni Tita Pia, agad naman kaming lumabas ni Eomma. Mabilis niya akong niyakap at nagbeso naman sina Eomma at Tita.
"Tara na sa loob," pag-aaya niya sa akin kaya't napangiti ako.
"Naalala ko tuloy noon, lagi kang excited kapag pumunta rito sina Cleo," nakangiting sabi ni Tita at natawa naman sila ni Eomma.
"Nothing changed. Sige na ma, lumarga na kayo ni Tita," natatawang sabi naman ni Palette sabay mano kay Eomma na agad ko ring ginawa kay Tita.
Pagkaalis nila'y pumasok na kami sa loob. Naupo muna kami sa sala dahil nanonood pala siya ng movie at kumakain pa ng mga chips. Nang makaupo kami'y niyakap ako at naramdaman ko na lang ang mga luha niyang tumutulo.
"Dito ka na lang Cleo, 'wag mo rin akong iiwan," malungkot niya sabi. Deja vu. Naalala ko tuloy si Audrey, hays.
"Hindi na ako aalis." Hindi ko na rin napigilang maluha. Parang ayaw ko nang gumalaw, gusto ko na lang siya yakapin. Kung pup'wede ko lang ihinto ng oras ngayon edi sana magiging maayos ang lahat ngunit hindi—hindi maaari.
"Shh tahan na. H'wag ka nang umiyak, nandito na ako oh tapos sina Audrey malapit na ring umuwi," malungkot kong sabi at pinunasan ang mga luha ko.
"Cleo, nag-aalala na ako kay Audrey. Baka kung napano na 'yon," nakangusong sabi niya habang nagpupunas ng pisngi.
"Huwag ka na lang mag-isip ng gan'yan. Baka gusto niya munang magpahinga at mag-isip-isip. Lahat tayo apektado rito, let's just give her space," sabi ko naman at tumango na lang siya.
"Oh, Cleo, nandito ka na pala. Si Dion?" Nagulat ako sa nagsalita. Nang lumingon ako'y si Jaycee pala ito, ang pinsan ni Palette. Napalunok ako't iniiwasang mataranta. Fuck.
BINABASA MO ANG
Kill, Cleo, Kill
Mystery / ThrillerA 21-year-old social media influencer named Cleonadia Lee downloaded the app called "neco challenge." Now, she has to face the consequences for she accepted the challenge without any doubt. Then, she realized that, talking to strangers is the worst...