LXXXIV

273 21 1
                                    

THIRD PERSON

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THIRD PERSON

Walang magawa sa bahay nila si Palette. Mag-isa lang siya sa balcony habang umiinom ng gatas, gustuhin man niya ng alak ay hindi siya pup'wedeng uminom dahil allergic siya roon. Kung titingnan mo siya'y mugto ang kaniyang mata at tila ilang araw nang walang tulog. Wala ring kibo ang dalaga kaya nahihirapan ang mga magulang niyang kausapin siya. Sinusubukan siyang kausapin ng pinsan niyang si Jaycee ngunit hindi niya ito pinagbubuksan ng pinto—gusto niya raw munang mapag-isa.

Ramdam na ramdam ni Palette ang malamig na simoy ng hangin kahit na siya'y naka-loose long sleeves at pajama na ay giniginaw pa rin siya. Napapikit na lang si Palette at iniugoy ang duyan kung saan siya nakahiga. Dahil bored na bored na siya, naisipan niya na lang na buksan ang kaniyang cellphone. Binuksan niya ang Twitter niya at agad namang sumabog ang mga notipikasyon.

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

Trends for you

#NorineIsMissing
144k Tweets

#JusticeForJéd
372k Tweets

Audrey Pecson
18.6k Tweets

#CleoIsMissing
74.9k Tweets

Spree Killer
514k Tweets

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

Odriii @audreypecson • 3h
Just want some wine and unwind. Let's get drunk! Cheers to our unexpected and invisible battles!

5,246 comments  10.8k retweets  17.9k likes











Kill, Cleo, KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon