CI

255 18 0
                                    

THIRD PERSON

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THIRD PERSON

Hindi mapakali ang binata sa kaniyang kama. Tayo-upo at tayo-upo siya. Hanggang ngayo'y nag-aalala pa rin siya kay Audrey dahil nang subukan niya itong katukin kahapon sa k'warto nito, hindi pa rin ito sumasagot. Inisip niya na lang na baka kailangan nga talaga ni Audrey ng espasyo para makapag-isip-isip at magpahinga. Ngunit ngayo'y bigla na lang siyang nakaramdam ng hindi maganda kaya lumabas na siya ng k'warto niya't nagpunta sa k'warto ni Audrey.

Nang naroon na siya sa tapat ng pinto'y sumilip muna siya sa maliit na bilog na butas, wala na naman siyang nakita ngunit inisip niya na lang na baka nasa labas iyon. Kumatok siya ng tatlong beses ngunit hindi na naman siya nakatanggap ng responde.

"Baka may ginagawa lang 'yon, aalis naman na kami mamaya hays," mahinang sabi niya't naglakad na palayo pero hindi pa rin maalis ang masamang kutob niya kaya dumaan na lang siya sa k'warto ng kaibigan.

Nang pihitin niya ang door knob ay nakabukas ito kaya hindi na siya kumatok pa. Naabutan niya ang kaibigang nakaupo sa sahig at nag-e-empake ng mga gamit.

"Oh Paul, nakapag-empake ka na?" tanong sa kaniya ng kaibigan.

Umiling siya't naupo sa kama at napasabunot na lang sa kaniyang buhok—bagay na ikinanoot ng noo ng kaniyang kaibigan.

"Masama ang kutob ko Erwan. Tatlong araw nang hindi nagre-response sa akin si Audrey. Everytime I knock on her door, she's not responding. I don't want to think negative but—what if she's with Cleo? Look, hindi pa bumabalik dito sina Cleo at Dion, pati si Norine. Ngayon si Audrey nawawala na rin. Erwan, hindi imposibleng magkakasama sila, alam nating dalawa 'yan!" nagpipigil niyang sigaw.

"You have a point tho, what should we do?" walang emosyong tugon ni Erwan.

"Seriously? Malamang magsusumbong sa mga pulis! Nakokonsensiya na rin ako Erwan, may alam tayo ngunit nananatili tayong nagbubulag-bulagan. Ilabas na natin 'yan dahil baka marami pa siyang mabiktima!"

"Hell no! I won't do that. So what kung magkakasama sila? Baka namasyal lang para maibsan 'yong sakit na nararamdaman nila," aniya habang isinasara ang maleta.

Napatayo na si Paul sa inis. "Tangina tol, namasyal nang kasama si Dion? Gago ka ba?!"

"Tagal na," wala pa ring emosyong sagot niya.

"Fuck! Bakit ba kasi ayaw mo 'yang ilabas? Tol, makonsensiya ka naman? Hindi ka ba nahihirapan na punong-puno na ng mga kalansay ang utak mo? Paano kung marami pa siyang mapatay? Hindi pa huli ang lahat, Erwan. Baka mailigtas pa natin sila! Si Audrey—"

"Putangina pre, natatakot ako! Ayaw kong makulong, sigurado akong damay na tayo rito. Makakasama rin tayo ni Cleo sa kulungan 'pag nagkataon. Sige nga, isipin mo, kung mananahimik tayo mananahimik din siya. Walang madadamay na iba."

"Tol, mas gugustuhin ko pang makulong sa kulungan kaysa makulong sa sarili kong isipan. Sobrang nakokonsensiya na ako," nagpupuyos sa galit na wika ni Paul dahilan para bahagyang mapangisi si Erwan.

Kinuha niya ang camera sa ibabaw ng side table at binuksan ito. "It's too late, Paul. Wala na sila at saka tayo magpapaka-hero? Mag-isip ka nga. Balewala rin ang pagsasabi natin ng totoo kung huli na ang lahat. Alam mo, wala na akong pag-asang buhay pa sila. It's been three days, sa tingin mo hindi pa sila tinutuluyan ni Cleo?" sarkastiko niyang saad.

Nanggagalaiti na si Paul sa galit kaya hindi niya na napigilan ang sariling kuwelyuhan ang kaibigan. Matalim niya itong tinitigan habang ito nama'y walang emosyong nakatitig din sa kaniya. Hindi siya inawat ni Erwan, bagkus ay hinawakan nito ang kaniyang mga kamay na para bang tinutulungan pa siya nitong sakalin ang sarili.

Magsasalita na sana siya nang biglang makuha ng balita sa telebisyon ang atensyon nila kaya dito nabaling ang kanilang tingin. Napabitaw naman si Paul kay Erwan at mas lumapit ito sa telebisyon.

"Bangkay ng YouTuber na si Norine Alejo, nakita sa dalampasigan ng Sujen sea. Natagpuan ito ng dalawang magkasintahang nakalusot sa shortcut kaninang alas tres ng hapon."

Napatingin si Paul kay Erwan na tuktok na tuktok sa telebisyon kaya agad niyang hinablot ang camera sa kamay nito at dali-daling nagtatakbo palabas. Nanlaki naman ang mga mata ni Erwan at mabilis din siyang hinabol ngunit hindi niya na naabutan ang kaibigan dahil nakapasok na ito sa kaniyang k'warto.

"Fuck! Paul open this fucking door!" sigaw niya mula sa labas pero ni-lock na lang ni Paul ang pinto at agad na binuksan ang laptop niya.

"Bahala na," bulong niya sabay bukas sa camera. Hindi niya kayang panoorin ang bidyo kaya minabuti niyang huwag nang i-play ito at i-copy paste na lang sa kaniyang laptop.








Kill, Cleo, KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon