CXIV

254 17 0
                                    

Sapilitan akong pinapasok ng mga pulis sa presinto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sapilitan akong pinapasok ng mga pulis sa presinto. Silaw na silaw na ako sa mga ilaw ng mga camera ng media, ito na nga ba ang sinasabi ko; kalat na kalat nang isa akong mamamatay-tao. Bwisit! Wala na akong nagawa kung 'di sumunod dahil wala na rin naman akong kawala. Nangangawit na ang mga kamay kong nakaposas sa aking likod. Pinaupo nila ako sa isang upuan at maya-maya lang ay dumating na rin sina Eomma.

"Cleo, bakit mo 'yon nagawa?"

"Anong nangyari sa'yo? Drug addict ka ba?"

"Sinong nang-impluwensiya sa iyong gawin ito?"

"Kailan ka pa pumapatay hija?"

"Nasaan sina Audrey Pecson at Dion Rogue?"

"May mga hindi ba kayo pagkakaunawaan kaya mo nagawa iyon?"

"Ugh! Shut up! Biktima lang din ako, okay? Someone's threatening me! If I wouldn't kill my friends, she would kill my family! I cannot lose my family nor my friends but I don't have any fucking choice. Please let me explain first because it wasn't intended! I was—"

Naputol ang sinasabi ko nang biglang dumating sina Eomma at Appa kasama ang mga lalaking nagpahamak sa akin. Masama at matalim ang tingin ko sa kanila, gustong-gusto ko rin silang pagsasaksakin. Gusto ko silang patayin sa paraang mas brutal kaysa sa mga ginawa ko sa mga kaibigan ko.

"Cleo, h-how? W-why?" sambit ni Appa at parang sinasaksak na rin ang puso ko nang makita kong nagtutuluan na naman ang mga luha niya. Ang mga mata niyang puno ng galit kanina'y napalitan ng lungkot at pighati.

"Anak, nagkulang ba kami sa'yo? Nawawalan na ba kami ng oras sa'yo kaya nagrebelde ka?" umiiyak din sabi ni Eomma kaya napayuko na lang ako't umiling-iling.

Muli akong tumingala, hindi alintana ang hapdi ng mata ko dahil kanina pa ako umiiyak. "No ma! Maniwala kayo sa akin, hindi ko sinasadya ang lahat, gusto ko lang kayong protektahan nina kuya! Mayroon akong app na d-in-ownload at ang nakalaro ko'y gusto akong pumatay, may nag-uutos sa akin!" sigaw ko at tiningnan ang lahat ng taong nanonood sa akin na para bang pinipilit silang paniwalaan ako.

Nabaling ang atensyon naming lahat sa ginang na paparating, galit na galit, namumula ang mga mata't halos matapilok dahil sa mataas niyang sandals. Si Tita Pia. Hindi na ako nagulat nang bigla niya akong sampalin nang malakas. Ramdam ko ang pag-alog ng ulo ko at halos mabungi ang mga ngipin ko dahil sa lakas ng pagkakasampal niya. Kasabay ng pagtulo ang dugo sa aking labi gawa ng sampal niya, ay siya ring paglayo sa kaniya ng mga pulis. Wala na ring nagawa sina Eomma kung 'di panoorin kaming dalawa.

"Hayop ka! Napakabrutal mong babae ka! Isa ka sa mga matalik na kaibigan ng anak ko pero ni minsan hindi ko inakalang magagawa mo 'yon! Bakit? Magkakaaway ba kayo? Ha? Anong ginawa sa 'yo ni Palette at ng iba mong kaibigan para patayin mo sila? Napakabrutal ng ginawa mo, hindi ko maunawaan kung paano ka naging isang mamamatay-tao. Dapat sa'yo ay mamatay din! Hayop ka!" sigaw niya hanggang sa makalabas siya ng presinto dahil hinihila na siya ng mga pulis para paalisin.

"Kayo, kasalanan n'yo 'to! You leaked the video of me killing Jéd without even hearing and knowing my perspective. Hindi niyo man lang ako hinayaang magpaliwanag. Kung sabagay, kahit naman anong sabihin ko hindi kayo maniniwala. What's done is done right?" sarkastiko kong sabi at saka tumayo at sinipa sa tuhod si Paul dahilan para siyang mapatumba.

"Dapat lang 'yon, Cleo! Lahat ng mga kaibigan mo pinatay mo, pati sina Jaycee at Dion! Sobrang sama mo na pati si Nico na kaibigan namin ay nakulong kahit walang kaalam-alam. Paano mo kaya nasisikmurang magtago habang ang inosente'y nakakulong?" pigil ang galit na wika ni Paul habang nakakuyom ang mga kamao. Sinubukan naman siyang pigilan ni Erwan ngunit tinaboy niya lang ito at matalim ding tinitigan.

"Huwag mo 'kong hawakan, magsama kayo ng mahal mo," galit niyang pahabol at saka lumabas ng presinto. Napailing na lang si Erwan, nanginginig ang mga kamay niya at napahilot na lang sa sentido.

Akmang magsasalita na rin ako nang muli kaming makarinig ng wang-wang ng pulis. Naghihikahos na naglakad papasok dito ang isang pulis kasama ang iba pang reporter. Ngunit nakuha ng isang lalaking matalim din ang titig sa akin ang atensyon ko.

"Iyan, si Cleo rin ang may gawa!" sigaw niya; akmang susugurin ako nang pigilin siya ng mga pulis.










Kill, Cleo, KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon