11:02 AM
Unknown:
Cleo! Cleo, can you
hear me? Stab her
now!You:
Yeah, shh."A-anong s-sorry?" nauutal na tanong ni Norine habang lumuluha't nakatalikod pa rin. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, agad kong isinaksak sa dibdib niya ang syringe na hawak ko. Agad siyang nagpupumiglas ngunit masyadong mahigpit ang hawak ko sa kaniya. Ilang beses ko pa siyang pinagsasaksak hanggang sa manghina siya.
"Tulong!" sigaw niya ngunit wala nang boses ang lumalabas sa kan'yang bibig. Kung gaano kahigpit ang hawak niya sa barriers ay ganoon din ang higpit ng sakal ko sa kaniya. Hindi ko na rin alam kung bakit at paano ko 'yon nagawa. Tila ba may sariling pag-iisip ang mga kamay ko at bigla na lang nilang ginawa iyon.
Unknown:
Cleo, look at your left,
there's a heretics fork
there! Under the bench
bitch!Mabilis akong napalingon sa kaliwa ko at hinanap ang heretics fork na sinasabi niya. Habang hawak-hawak ko sa buhok niya ang nanghihinang si Norine ay hindi maalis ang tingin ko sa ilalim ng bench, wala naman akong nakita. Puno dahon lang ang nakikita ko.
You:
Bitch what the fuck?
Wala naman!Unknown:
Sa tabi ng mga bato!
Dalian mo!Muli kong nilakihan ang mga mata ko at nakita ko naman agad. Bakit kasi kakulay ng kinakawalang nang upuan? Damn it. Agad ko itong kinuha at napakunot ng noo. Seryoso ba? Ito ang gagamitin ko? Tangina lang, nanginginig na rin ako sa takot at kaba.
You:
Anong gagawin ko rito?!Unknown:
Stupid. Open the lock
behind it and put it on
her neck.Binitawan ko muna siya at muling sinaksak ang syringe sa kanang pisngi. Agad kong binuksan ang lock ng heretics fork, medyo nahirapan pa akong gawin iyon dahil kinakalawang na nga at ang hirap niyang tanggalin. Nang mabuksan ko iyon at kinaladkad ko siya papalapit sa akin at isinuot iyon sa kaniyang leeg. Nanghihina man ay pinipilit niyang lakasan ang loob.
Unknown:
That's the use of heretics
fork. Kung ayaw niyang
lumusot iyon sa kaniya at
mamatay siya, she needs
to chin up all the time. So
funny right?You:
What's the next thing
should I do?Unknown:
Well, pahirapan mo muna.
Pilitin mo siyang huwag
sumuko. Let's just wait for
at least two minutes
HAHAHAHAHA!You:
Gago! Tawa lang dahil
pagbabayaran mo 'to!Unknown:
Oh, e bakit ako Cleo?
Sino ba ang pumapatay?
Ikaw 'di ba at hindi ako. :)"C-cleo, bakit?" basa ko sa pagbuka ng bibig niya dahil wala na siyang boses, puro hangin na lang ang mga salita niya.
Napaluhod ako sa harap niya at yumuko. "I'm sorry. I'm sorry, maiintindihan niyo rin ako," mahinang sabi ko't muling naiyak.
"Sino i-iyong kausap m-mo?" nanghihina niyang sambit at sa pagkakataon ito'y muli kong narinig ang kaniyang boses. Umiling-iling ako't tumayo na.
"Ayaw na kitang pahirapan pa. Hanggang sa muli, Norine. Paalam," pagkasabi ko noo'y pwersahan kong iniyuko ang ulo niya dahilan para lumusot sa kaniyang dibdib ang ibabang bahagi ng heretics fork at lumusot naman sa baba niya ang itaas nitong bahagi.
Unknown:
Ilusot mo nang ilusot.
Torture her all you want.You:
Putangina ka!Unknown:
I know, Cleo. Oh ayan,
patay na siya. Itulak mo
na, ihulog mo sa bangin.Hindi na ako makapagsalita kaya sinunod ko na lang kung ano ang iuutos niya. Hindi ko alam kung nasaan siya at alam niya ang mga nangyayari sa paligid ko. Para siyang stalker na kaluluwa na lang. Para siyang isang kalabang kailanman hindi ko maaaring makita. Bago ko siya inihulog sa bangin ay tinaas-baba ko muna ang ulo niya upang mas ma-torture siya tulad ng sabi ni unknown. Dahil pati ako'y nanghihina na rin dahil sa pagod at sakit ng mga braso ko, nahirapan akong ilusot si Norine sa mga barriers upang itulak pababa. Pinilit ko siyang pagkasyahin sa masikip na pagitan ng mga bakal doon. Ilang sandali pa'y nagtagumpay din ako. Napapikit na lang ako nang marinig ko ang malakas na pagkalabog niya sa dalampasigan, mabuti na lang at malayo-layo pa siya sa dagat. Nagtalsikan din ang mga dugo niya at umaagos naman ang dugo niya sa leeg at dibdib.
Unknown:
Good job! Because of that,
I'll give you three claps.unknown666 sent a
voice mail.Unknown:
Narinig mo? Ang lakas ng
palakpak ko 'di ba?You:
Ayos na ba 'yon?
Aalis na ako at baka
naiinip na si Dion doon.
Baka maisipan niya
pang sundan kami rito.Unknown:
Teka, chill ka lang Cleo.
Hindi pa tayo tapos. ;>You:
Fuck!
BINABASA MO ANG
Kill, Cleo, Kill
Misterio / SuspensoA 21-year-old social media influencer named Cleonadia Lee downloaded the app called "neco challenge." Now, she has to face the consequences for she accepted the challenge without any doubt. Then, she realized that, talking to strangers is the worst...