THIRD PERSON
Alas seis na ng umaga ngunit hindi pa rin makatulog si Jaycee kaiisip sa kaibigan niyang si Dion. Ilang beses niya nang tinanong sa dalawa pa nilang kaibigan kung nakabalik na ba ito ngunit hindi pa rin daw. Labis ang pag-aalala niya sa matalik na kaibigan dahil tatlong oras na lang ay mag-iisang araw na itong walang paramdam at nawawala.
Lumabas na lang siya ng kuwarto para kumain na dahil hindi rin naman siya makatulog. Pagdating niya sa kusina'y naabutan niyang nakatulala sa dining area si Palette, umiinom ito ng gatas at halata sa mga mata nito na umiyak ito magdamag. Tumikhim siya't nagtimpla ng kape at saka naupo sa tapat nito.
"Good morning," bati niya sa pinsan ngunit wala siyang natanggap na responde, ni hindi man lang ito kumurap.
"May balita ka na ba kina Cleo? Nakabalik na raw ba sila sa hotel?" tanong niya. Ang alam niya kasi'y muli silang bumalik sa hospital dahil nahimatay si Cleo, sinabi ito sa kaniya ni Dion habang nasa biyahe sila bago mangyari ang insidente.
Umiling naman si Palette at uminom na lang. Matamlay niya ring kinain ang pancakes na inihanda ng mga katulong nila. "May gusto ka bang gawin? Para naman mawala ang lungkot mo kahit saglit. Hindi matutuwa ang mga kaibigan mo kung mananatili kang malungkot Palette, lalong-lalo na si Jéd—"
"Stop. Wala kang alam sa nararamdaman ko," malamig nitong sabi at tumayo na. Naglakad ito palayo at muling umakyat sa taas.
Napabuntong-hininga na lang si Jaycee at itinuloy ang pagkain. "Hindi lang naman ikaw ang nawalan," bulong niya sa isip.
BINABASA MO ANG
Kill, Cleo, Kill
Mystery / ThrillerA 21-year-old social media influencer named Cleonadia Lee downloaded the app called "neco challenge." Now, she has to face the consequences for she accepted the challenge without any doubt. Then, she realized that, talking to strangers is the worst...