Tahimik kaming dalawa ni Palette dito sa loob ng tent habang ginagamot niya ang mga sugat ko sa braso at mga gasgas sa binti. Hindi na siya umiiyak ngunit kung tititigan mo ang mata niya'y para bang sa loob-loob nito ay bumabaha na ng luha.
"Paano nangyari 'yon?" walang emosyon niyang sabi.
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya't patagong napalunok. "H-hindi ko rin alam, Palette. B-biglaan ang mga pangyayari, ang bilis," tugon ko.
Hindi na siya nagsalita at sa halip ay ipinagpatuloy na lang ang panggagamot sa akin. Napatingin naman ako sa labas, nagkakagulo sila. Tanging ingay ng wang-wang ng sasakyan ng mga pulis, sigawan, iyakan at chismisan ang naririnig ko. Ini-interview naman ng mga pulis sina Norine, Audrey at 'yong walong lalaking puno't dulo ng lahat.
"So, pumunta kayo roon sa kweba kaninang alas tres ng umaga. Pagkatapos, bigla kayong ginulat ng mga lalaking 'to, tinakot kayo at pabirong hinabol. Hanggang sa nagkahiwa-hiwalay na kayo. Sino ang huli mong kasama hija?"
"Si Palette po, magkahawak kasi kami. Sina Audrey, Cleo at Jéd po ay nagkahiwa-hiwalay din. Sa sobrang laki po ng kweba, nahirapan kaming hanapin ang isa't isa dahil na rin ho sa takot," saad ni Norine habang kinukurot-kurot ang mga daliri niya sa kaniyang likuran. Ganito siya kapag kinakabahan.
"Kayo, sino ang huling magkakasama sa inyo?" muling tanong noong babaeng pulis.
Nagtaas ng kamay iyong lalaking bumuhat sa akin kanina, si kuyang asul ang buhok at iyong isa pa. "Kayong tatlo, saan kayo napunta kanina?"
"Sinusundan po namin sina Norine at Palette dahil nag-aalala na kami kasi bigla silang nawala," sagot ni kuyang asul ang buhok.
"Ako po kumanan para sundan sina Cleo dahil magkasama sila ni Jéd—" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi noong lalaking naka-itim na sando.
"Magkasama kami ni Jéd kanina pero nauuna akong tumakbo sa kaniya tapos nang ma-realize kong wala na akong kasama, doon na ako nakaramdam ng kilabot . Bumalik ako para hanapin siya ngunit hindi ko na siya nakita. Hanggang sa nakarating na ako sa dulo at ayon nadapa na ako," paliwanag ko mula rito sa tent dahilan para mapalingon silang lahat sa akin.
Napatango-tango naman iyong pulis. "Okay, noted. Kayong apat kayo?" Bumaling naman ulit ang atensyon niya roon sa apat pang natitirang lalaki.
"Ako po lumabas na dahil natakot na rin ako, ayaw kong madamay sa kautuan nila. Tapos sumunod sa akin 'tong si Jaycee, so, kaming dalawa bumalik na rito sa tent."
"Ako hinahanap ko si Audrey, si Dion naman hinahanap din sina Norine at Palette."
"Okay, noted," sabi ng pulis habang nagsusulat sa notebook na dala niya.
Bigla naman siyang suminghot-singhot at nilapitan sila isa-isa para amuyin. Muli akong napalunok nang makita kong naglalakad na siya papunta rito sa tent. Inamoy din niya kami ni Palette. Siguro naman hindi na ako amoy dugo, halos binuhusan na ako ni Palette ng alcohol e.
"Lumabas kayo r'yan," utos niya na agad naman naming ginawa dahil nabalutan niya na ako ng benda.
"Ang baho niyong lahat. I mean, no offense, amoy panis na kalawang kayo. Amoy dugo."
Mas lalo akong kinilabutan nang ngumisi ang pulis. "May isa sa inyong matapang ang amoy," nakangising sabi niya at naglakad paikot sa amin. Para kaming mga estatwang hindi makakilos.
"Ikaw, ang lakas ng amoy sa'yo. May mantsa ka pa sa laylayan ng damit mo, huwag mo nang itago. Saan ka nga ulit nanggaling?"
"S-sinundan ko po si Cleo," nanginginig na sagot no'ng isa.
"Cleo, sino ang huli mong nakasama?" tanong naman sa akin noong isang pulis na lalaki at malaki ang tyan.
"S-si Jéd."
"You must be the killer."
BINABASA MO ANG
Kill, Cleo, Kill
Mystery / ThrillerA 21-year-old social media influencer named Cleonadia Lee downloaded the app called "neco challenge." Now, she has to face the consequences for she accepted the challenge without any doubt. Then, she realized that, talking to strangers is the worst...