Ikinalma ko muna ang sarili ko dahil nanginginig na talaga ako sa kaba at halos masuka na ako dahil dito. Ilang beses muna akong bumuntong-hininga bago binuksan ang cellphone niya.
I opened her phone and opened the messenger app. Ch-in-at ko ang sarili ko gamit ang account niya.
You:
Anong sasabihin ko?Unknown:
Sabihin mo nag-CR siya.Agad naman akong nag-type sa cellphone niya. Binasa ko muna ito nang mabuti at saka s-in-end.
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Amiga Cleo ♡
11:35 AM
Cleooo! Punta ka na
rito sa sasakyan.
Nauna na ako hehehe.Amiga Cleo ♡ replied
to you
Okay, wait langs.▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Pagkatapos kong i-chat ang sarili ko ay dali-dali kong itinago ang cellphone niya sa bulsa ng jacket ko. Agad naman akong naglakad palabas hawak ang aking cellphone. Tamang pagkalabas ko ay bumungad sa akin si Dion at mukhang papasok na rin siya para sunduin kami. Kabababa niya lang din ng cellphone niya at parang may kausap kanina. Napangiti naman siya nang makita ako, ang weird.
"Oh nasaan si Norine?" tanong niya.
"Huh? Nag-chat siya sa akin na nauna na siya rito sa sasakyan ah. Nag-CR kasi siya saglit. Ito oh," I said confidently and I showed him her chat which I did.
Napakunot ang noo niya at napailing. "Impossible, she's not yet coming out," he gasped.
At dahil isa akong magaling na aktres ay nagkunwari na naman ako. Kahit masakit para sa akin ang ginagawa ko. "Edi sino 'tong nag-chat? Baka naman nagtatago lang 'yon," sambit ko at luminga-linga sa paligid upang hanapin siya kunwari.
Pagpapanggap ko siyang hinanap sa daan maging sa loob ng sasakyan. Nagpunta na rin kami ni Dion sa lumang banyo ngunit wala kaming nakita roon. Wala talaga siyang makikita kasi walang-wala na si Norine. Norine's dead, hindi na siya babalik Dion.
"Maarte si Norine, hindi siya pupunta sa ganoong karumi at kabahong banyo. She's absolutely lying, Cleo. She just go somewhere!" aniya kaya medyo nagulat ako sa inakto niya.
"Kung ganoon, saan? Wala namang ibang shortcut dito. Kung tumakas talaga siya, makikita mo siya. Baka nagtatago lang talaga 'yon," kalmado kong sabi. Mula sa airpods ko ay muli kong narinig ang boses ni unknown kaya't lumayo muna ako ng kaunti.
Unknown:
Yayain mo na siyang
umalis at umuwi. Sabi-
hin mo na lang na suma-
sakit na ang mga sugat
mo.Napaisip ako sa sinabi niya. Ayaw ko nang bumalik sa hospital, magpapaderetso na lang ako sa hotel. Sumakay na ako sa sasakyan at siya rin, nagtataka siyang tumingin sa akin mula sa harap. "Bakit sumakay ka na agad?"
"Sumasakit mga sugat ko."
"Okay, sige. Hintayin na lang natin siya saglit, kapag wala pa, humingi na tayo ng tulong sa mga pulis," aniya at tumango na lang ako.
Muli kong binuksan patago ang cellphone ni Norine at muling nag-chat habang naghihintay kami. Gusto ko nang umalis dito at baka maisipan niya pang pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Kill, Cleo, Kill
Mistério / SuspenseA 21-year-old social media influencer named Cleonadia Lee downloaded the app called "neco challenge." Now, she has to face the consequences for she accepted the challenge without any doubt. Then, she realized that, talking to strangers is the worst...