C

267 17 0
                                    

THIRD PERSON

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THIRD PERSON

Alas tres y medya na ng hapon ngunit may dalawang magkasintahan ang napadaan sa Sujen Bridge—kung saan makikita nang malawakan ang Sujen sea. Nakalabas na ng bansa ang bagyo kaya naisipan nilang mamasyal na. Matagal na nilang gustong makababa sa Sujen sea dahil napakalinis nito at para sa kanila'y masarap maligo roon dahil payapa at sila lamang ang nandoon.

Kahit na sarado ang shortcut papunta roon ay nagpumilit pa rin ang magkasintahan. Nag-park sila sa loob ng freedom park at saka naglakad papunta sa shortcut. Mabilis nilang nabuksan ang lumang gate sa pababa dahil hindi naman ito nakakandado. Masaya namang nakababa ang dalawa ngunit napakunot na lang ng noo ang babae sa naamoy niya.

"Babe, naaamoy mo ba 'yon?" kunot-nong niyang tanong habang hinahawi ang buhok niyang nililipad ng hangin.

Napatango naman ang lalaki. "Baka iyong kalawang lang iyon sa gate," sagot naman nito at naghugas sa tubig-dagat ngunit laking gulat nila nang may humalong kulay pulang likido sa tubig. Nalagyan ang mga kamay nila ng dugo. Agad namang napasigaw ang babae dahil sa takot. Nagtatatakbo ito palayo sa pag-aakalang mayroong pating doon.

"Oh my gosh! Babe, let's go na!"

"Teka, tingnan mo 'yon oh!" turo ng lalaki sa kaliwa nila.

Mayroon malalaking batong magkakadikit at halatang-halata ang mga dugo sa ilalim na patuloy na kumakalat sa dalampasigan. Napatakip na lang ng bibig ang babae nang mapansin niyang may katawan doon. Mas nilakihan niya ang kaniyang mga mata't napapikit na lang sabay yakap sa kasintahan.

"Shit, tangina sino 'yon?" mahinang sabi ng lalaki sabay nagtayuan ang kaniyang mga balahibo.

Mabilis niyang kinuha ang cellphone sa kaniyang bulsa at tumawag sa 911. Hindi naman maalis ang kapit ng babae sa kaniya. Mas lalo siyang kinilabutan nang sumagot na ang dispatcher.

"911, what's your emergency?"

"There's a fucking dead body here in Sujen sea!"

"Okay, what is your callback number?"

Kumalas sa yakap ang babae at naglakas-loob na lumapit sa bangkay na nakita nila. Sinusubukan siyang hilahin at pigilan ng kasintahan ngunit makulit siya. Nanlaki na lang ang mga mata niya at napanganga nang mapagtantong ito ang isa sa mga paborito niyang vlogger—si Norine Alejo.

"Who is the victim?" saktong pagkatanong ng dispatcher nito ay ang pag-agaw ng babae sa cellphone.

"It's Norine Alejo, one of the famous vloggers. She has been lost for two days. C'mon, hurry!" sigaw niya sa cellphone at muli itong ibinalik sa kasintahan.

Napaiyak na lang siya sa nakita at napaluhod. Hindi niya inakalang wala na rin ang isa sa mga naging inspirasyon niya. Labis siyang nasasaktan dahil dalawang miyembro na ng Power Cute Girls ang namamatay at si Cleo ay nawawala pa rin daw. Hindi niya na rin napigilang masuka dahil na rin sa masangsang nitong amoy.

"They're coming, shh," sambit ng lalaki at saka inalo ang kasintahan.







Kill, Cleo, KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon