XLII

378 31 0
                                    

Pagkatapos naming kumuha ng mga litrato'y nagpunta naman kami sa Jhoeriver, naupo kami sa malalaking bato at nilublob sa ilog ang mga paa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkatapos naming kumuha ng mga litrato'y nagpunta naman kami sa Jhoeriver, naupo kami sa malalaking bato at nilublob sa ilog ang mga paa.

"Ano pa kayang p'wedeng gawin dito?" tanong ni Jéd habang nanghuhuli ng mga isda at nilalaro-laro ang mga ito. Kapag nakakahuli siya ng maliliit ay para ba itong plushie na pinipisil-pisil niya. Jéd loves cute things though.

"Uhm, punta tayo sa kweba mamaya?" tanong ko ulit at nagkatinginan naman kaming lahat. Napangisi sina Audrey at Norine at nag-apir.

"3AM challenge? Tara?" sabay nilang sabi. Napangiti naman ako, mukhang ito na ang tamang pagkakataon. Since gabi naman na, madali ko na lang silang malilinlang dahil siguradong malaki ang kweba at maraming pasikot-sikot doon.

"Nice! Sa channel ng power cute girls natin i-upload. Oh, walang matutulog nang maaga ha?"

"Para namang hindi kami nagpupuyat, Palette."

"Oo na sige. Ehem Jéd, baka naman tulugan mo kami, minsan lang 'to," sambit ko naman. Matatakutin kasi si Jéd, kahit may kasama na'y natatakot pa rin. Kailangan pa yata naming siyang pilitin mamaya. Tama, kailangan ko siyang pilitin. Kailangan marami akong kasama para hindi ako mahuli. Tama, tama. You're so wise Cleo.

Alas cinco na rin nang bumalik kami sa mga tent. Habang nag-aayos ako ng gamit ay biglang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may notification.

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

Notification                                        block
Neco Challenge • now
unknown666
It's time. Get ready.













Kill, Cleo, KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon