CIX

258 19 0
                                    

Nang makalabas ako ng subdivision ay agad akong nag-abang ng taxi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang makalabas ako ng subdivision ay agad akong nag-abang ng taxi. Habang palakad-lakad ako rito sa loob waiting shed, nakuha ng atensyon ko ang gunting sa ibabaw ng upuan. Mabuti na lang at walang masyadong dumadaang sasakyan, dumidilim na rin ang kalangitan. Kinuha ko ito at pumunta sa likod ng waiting shed. Ginupit ko ang buhok ko hanggang leeg, bahala na, wala na akong pakialam kung anong maging hitsura ko. Nang magupit ang buhok ko'y nilagay ko na lang sa aking bag ang gunting at bumalik sa loob para maghintay ng taxi. Makalipas ang sampung minutong paghihintay ay may nakita na rin akong taxi at laking gulat ko nang makitang babae ang driver nito.

"Uhm, tama naman ako ng nasakyan 'di ba?" nahihiya kong tanong habang nasa likod. Tumingin siya sa akin mula sa rearview mirror at ngumiti.

"Opo ma'am, saan po tayo?" tanong niya ngunit sinabi ko na lang na mall na lang malapit rito dahil ang daan doo'y tulay na naman at mga bundok.

Unknown:
How lucky you are,
Cleo, the driver's a
girl. Patayin mo na
hanggang maaga.

You:
I got scissors.

Bumyelo muna ako bago saksakin ng gunting ang driver na 'to. Hinintay ko munang makadaan kami sa tulay at nang makapasok na kami sa tunnel ay saka ko siya pinagsasaksak. Nanlaban siya ngunit nagmamaneho pa rin; dahil pagewang-gewang ang sasakyan ay nahirapan akong abutin ang gunting sa ilalim ng upuan.

"Fuck! Stop the car!" sigaw ko sa kaniya ngunit parang wala siyang naririnig. "Are you deaf? I said, stop this fucking car!" Sa pagkakataong ito'y inihinto na niya.

Umiiyak na siyang habang nakahawak sa leeg niyang nasaksak at nagdurugo, napayuko na lang siya. Akmang lalabas na siya nang bigla ko siyang higitin at tutukan ng gunting. "Hindi ka makakatakas sa 'kin!"

"Huwag po! Parang awa n'yo na, huwag n'yo akong patayin. Hindi ako magsusumbong sa—"

"Shut up!" Pagkasabi ko noo'y muli kong isinara ang pinto niya at saka tuluyan siyang pinagsasaksak. Hindi ko na inalintana ang mga nagtatalsikang dugo. Nang tuluyang na siyang mawalan ng buhay ay inilipat ko siya sa likod—dahilan para bumalik sa aking isipan ang ginawa ko kay Dion.

Napailing na lang ako't muling pinaandar ang sasakyan at saka galit na kinausap si unknown. My challenges were already done so I think this is the right time to know who's unknown and why she's doing this to me.

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

7:47 PM

You:
Hey, tapos na. Tapos
na ang lahat unknown.
Magpakilala ka na sa 'kin
please? Tell me everything
about you. Karapatan
kong malaman kung sino
ka dahil nasa deal natin
'yon!

Typing. . .

You:
Please? Kahit bago ako
makulong gusto kong
makilala ka. Ilang araw na
akong hindi pinatatahimik
ng utak ko. Sabihin mo ang
lahat sa 'kin!

Typing. . .

You:
Bigyan mo 'ko ng maayos
na rason kung bakit mo gi-
nawa sa 'kin 'to. Bigyan mo
'ko ng magandang rason
kung bakit mo nasabing
minsan na kitang minahal
noon!

Unknown:
Are you ready? Are
you sure you want
to know everything?
Huh? Baka magka-
heart attack ka kapag
nalaman mo.

You:
Just tell me who you
are and why did you
do this to me please!
That's all I want to
know.

Unknown:
The girl behind this
voice is...











Kill, Cleo, KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon