Unknown:
Good job, Cleo! Oh
tingnan mo? Ang
galing mo pa lang
murderer. Hiwa-hiwain
mo pa para sulit HAHAHA!Hindi na ako nakapagsalita at sa halip ay sinunod na lang siya. Kusa nang gumalaw ang mga kamay ko at ginawa kung ano ang utos ni unknown. Pagkatapos ay napaupo na lang ako sa lupa at pilit ikinakalma ang sarili.
Unknown:
Get up! Baka may biglang
dumating. Kunin mo 'yong
plastik na pinaglagyan.
Ilagay mo roon 'yong mask,
gloves, kutsilyo at natirang
duct tape. Isuot mo na ulit
'yong jacket mo.Agad ko siyang sinunod. Tama, kailangan kong bilisan ang kilos dahil paniguradong pinaghahahanap na nila kami. Agad kong inayos sa plastik na supot ang mga gamit ko at mabilis na sinuot muli ang jacket.
3:34 AM
You:
Paano iyong batong
pinampukpok ko?!Unknown:
Dalhin mo rin. Tumakbo
ka na at itapon mo lahat ng
'yan sa malayo. Sa lugar
na walang makakakita.Unknown:
Wala ka bang dugo sa ka-
tawan at damit?You:
I checked it twice,
wala naman. Sa kamay
mayroon.Habang tumatakbo ako sa loob ng kweba'y napunta ako sa pinakadulo. Halos limang minuto ko ring tinakbo 'to. Halos usok na ang binubuga ko dahil sa lamig, mas nilalamig ako dahil sa kaba. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong bangin na ang tinatahak ko. Muntik na akong mahulog, mabuti na lang ay nakakapit ako sa barriers. Agad kong hinulog doon ang plastik. Kumuha ako ng mga bato pa para matakpan iyon sa ibaba kung may sisilip man dito. Nagtagumpay naman ako dahil mula sa sinag ng buwan, nakita kong hindi na nakikita pa ang plastik. Pinunasan ko rin ng sweater ko ang barrier kung saan ako humawak dahil makakaiwan ako rito ng fingerprint.
"Hello? Cleo! Jéd!" Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang sumisigaw na boses ni Norine.
Unknown:
Magpadapa ka! Ingat.Agad akong nagtatakbo papasok at sinadyang madapa. Mayroon na akong dahilan kung bakit dumudugo ang mga kamay ko. Bumaligtad din ako ng ayos dahil papunta sa kweba ang pagkakadapa ko. Ramdam ko ang hapdi ng mga braso ko dahil sa pagkakagasgas ngunit ayos na 'to kaysa naman mahuli ako.
Unknown:
Ask for help, Cleo!Sinunod ko naman siya. "Help! N-norine! T-tulong! Nandito ako!" sigaw ko at makalipas ang tatlong minuto'y nakita na rin nila ako. Si Norine at Palette lang ang magkasama, kasama rin nila iyon mga lalaking nanghabol sa amin. May mga dala silang flashlight dahilan para mapapikit ako.
Agad akong tinulungang makatayo noong tatlong lalaki. Muli namang bumuhos ang mga luha ko. Niyakap ako ni Palette at sinuri. "Shit. Anong nangyari? Bakit kayo napunta rito? Ang layo na, dulo na 'to!"
"Dahil sa inyo! Kung hindi ninyo kami tinakot at hinabol, hindi kami magkakahiwa-hiwalay!" sigaw ko sabay duro sa mga lalaking iyon.
"Pasensiya na. Pasensiya na talaga, pasimuno kasi iyong isa naming tropa. Sabi takutin daw namin kayo para mas may thrill ang vlog niyo—"
"Sorry talaga Cleo, sorry sa inyo, patawarin niyo kami."
"Sorry talaga, hindi namin sinasadya, nadamay lang kami sa kautuan nila."
"Tara na sa tent, gagamutin kita," singit naman ni Norine at inutusan na iyong mga lalaking buhatin na ako at ibalik sa tent. "Nasaan si Jéd, Cleo?" tanong ni Palette ngunit umiling lang ako.
"H-hindi ko alam, nagkahiwalay na kami kanina. Hinahanap ko nga siya ngunit nadapa ako."
"Naaamoy niyo ba 'yon?" tanong noong lalaking kulay blue ang buhok. Napakunot sila ng noo.
"Amoy kalawang?"
"Ang baho amoy daga," sambit noong isang lalaki. Gusto kong matawa sa sinabi niya. Habang naglalakad kami palabas ay nakarinig kami ng isang napakalakas na sigaw na halos marinig na sa labas ng kweba.
"Tulong! P-patay! May patay!" Tila nasa pinakamalayong panig ang sigaw dahil papahina na ito at nag-e-echo.
Unknown:
You're a good liar,
Cleo. Alam mo na.
BINABASA MO ANG
Kill, Cleo, Kill
Mystery / ThrillerA 21-year-old social media influencer named Cleonadia Lee downloaded the app called "neco challenge." Now, she has to face the consequences for she accepted the challenge without any doubt. Then, she realized that, talking to strangers is the worst...