Humugot ako ng isang malalim na hininga't pilit ginagalit ang sarili ko upang magawa ko nang maayos ang putanginang misyon na 'to. Bawat hiwa ng malaking kutsilyo sa kaniyang balat ay malalim at mariin, ingat na ingat ako sa pagdausdos dito dahil baka magtalsikan ang mga dugo. Nakikita ko na ang mapula-pula niyang kalamnan at ang mga dugo'y nagsisimula na ring tumulo sa sahig.
Saglit kong inihinto ang aking ginagawa at kinain na ang dalawang sandwich para maiwasang kong masuka. Namamasa na naman ang mga kamay ko dahil sa gloves at ang mukha ko'y ganoon din dahil sa face mask. Itinuloy ko na ulit ang ginagawa ko. Nang tuluyan ko nang mabuksan ang kaniyang likod ay napailing na lang ako.
You:
Unknown! Ano na'ng
susunod na gagawin?Unknown:
Ibuka mo 'yong balat
niya. Lahat ng internal
organs niya ay chop-
chop-in mo, basta pag-
sasaksakin mo. Gawin
mong pakpak niya ang
balat niyang nakabuka.
Gets?Hindi na ako sumagot, sa halip ay ginawa ko na ang pinag-uutos niya. Dahan-dahan kong ibinuka ang kaniyang balat habang nakalayo ang ulo ko; rinig na rinig ko rin ang pagkaskas nito habang bumubuka. Iniluwa nito ang kaniyang mga internal organs na tangina gumagalaw pa!
"Damn this shit," inis kong sabi at saka kinuha ang unan upang itakip sa akin. Maingat kong pinagtataga ang mga kalamnan niya, hiniwa-hiwa ko rin ito at saka ch-in-op-chop. Ang huli kong ginawa ay pinagsasaksak ang kaniyang puso.
You:
What's next?Unknown:
Hatiin mo ang mga
baga niya at paghi-
walayin na parang
pakpak din.Agad kong ginawa ito dahil dalawampung minuto ko na siyang pinapatay. Para talaga akong naghihiwa ng karne ng baboy sa ginagawa ko; mabuti na lang at binuksan ko ang air freshener device nila. Isa itong device na nakakabuo ng mga bula habang nagbubuga ng pabango. Mas nilakasan ko ito dahil umaamoy na naman ang masangsang na amoy. Sinara ko naman na lahat kaya siguro'y hindi na nila ito maaamoy. Ganoon din kasi ang ginawa ko sa labas, sa hallway, binuksan ko rin ang dalawa pang air freshener device.
Nang matapos ako sa ginagawa ko'y tumayo na ako. I don't know but somehow it seems so satisfying.
You:
Ganito na lang ba 'to?Unknown:
Oo ayos na 'yan, walang
pagsasabitan e. Idapa mo
lang ng maayos. That's so
satisfying! Ang galing-
galing mo! You deserve a
six claps bitch!Habang nagsasalita siya'y bigla na lang akong naluha. Napaupo na lang ako sa sofa at inalis ang mask at gloves kong may dugo at inilagay ito sa isang plastic at saka ibinalik sa aking bag. Napapunas na lang ako ng pisngi ko't napailing. Hindi, wala akong karapatan umiyak, walang-wala.
Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ng T.V. at saka in-open ang app upang patayin ang mic ko. Tapos na ang pagiging demonyo ko. Lalayo na ako at hindi na babalik pa. Hindi ninyo na ako makikita pa.
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Notification block
Neco Challenge • 2 minutes ago
erwan_
Cleo! Cleo please reply to me!
BINABASA MO ANG
Kill, Cleo, Kill
Misteri / ThrillerA 21-year-old social media influencer named Cleonadia Lee downloaded the app called "neco challenge." Now, she has to face the consequences for she accepted the challenge without any doubt. Then, she realized that, talking to strangers is the worst...